Chelsea, may future ba sa showbiz?

Nakabalik na ng bansa si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo at sinalubong siya ng maraming pageant fans sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bukod sa pagpasok niya sa Top 30, nauwi niya ang dalawang special awards – first ever Miss Universe Asia continental queen title at Best in National Costume na ikaapat na beses nang napanalunan ng Pilipinas.
After the pageant ay nag-stay pa ng two weeks sa Los Angeles si Chelsea para maka-bonding ang kanyang pamilya. Bitbit nga ni Chelsea ang maraming magagandang alaala ng Miss Universe kahit na ‘di niya nauwi ang korona.
Isa sa gagawin niya ay ang umuwi sa Meycauayan, Bulacan para pasalamatan ang mga sumuporta sa kanya.
Papasukin na ba niya ang showbiz?
Zig, napi-pressure
Malaking pressure nga raw kay Direk Zig Dulay ang expectations ng mga artistang gustong makatrabaho siya sa TV at pelikula.
Para na ngang si Lino Brocka o Ishmael Bernal si Direk Zig na gustong nakatrabaho ng maraming artista ngayon.
“Nakakataba ng puso kapag mapapakinggan mo na pangarap kang makatrabaho ng mga artista, at the same time, kinakabahan tayo dahil sa mga magiging expectations nila sa akin. Kaya I make sure na balanse lahat. I have my strengths and my weaknesses as a director. Gusto ko ay ‘yung magtulungan kami ng mga katrabaho kong artista para makabuo kami ng something special sa isang project,” sey ni Direk Zig.
Aside sa Metro Manila Film Festival 2024 official ng entry ng GMA Pictures na Green Bones, direktor din si Zig ng Widows’ War ng GMA Prime at nagtuturo rin siya sa University of the Philippines.
Taylor Swift, naka-$2B sa Eras Tour!
After 149 shows in five continents, nagtapos na ang Eras Tour ni Taylor Swift sa last show nito sa Vancouver, Canada.
Dahil sa huge success ng tour, nagbigay si Taylor ng $197 million bonus para sa lahat ng production staff ng tour, kabilang ang truck drivers, caterers, dancers and musicians.
Ang Eras Tour ang highest-grossing tour of all time na kumita ng higit sa $2 billion!
- Latest