Alam mo, Salve A., patuloy ang paggawa ng kasaysayan ng sequel movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Again.
Ang dalawa ay dumalo pa sa matagumpay na pagpapalabas ng kanilang movie na ginawang final screening film sa Asian World Film Festival na ginanap sa Curver City ng Los Angeles, California, USA. Ang nasabing film festival ay nagsimula nung Nov. 13, 2024.
Bukod sa screening ay humarap din sila sa local media in Los Angeles, California.
Pipilitin naman daw ng dalawa na puntahan ang halos lahat ng mga bansa na pagpapalabasan ng kanilang movie. Bukod sa Amerika, palabas din ang HLA sa Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, Saipan, Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, Hong Kong at Macau.
Konti na lang diumano ay isang bilyong piso ang kita ng pelikula.
Napakagandang Christmas gift ang HLA kina Kathryn at Richard maging sa Star Cinema at GMA Pictures.
Sarina, in demand sa Disneyland
Pahinga muna ang dancer-turned singer, actor, TV host and politician na si Jhong Hilario sa pulitika sa paparating na eleksyon kung saan konsehal siya sa unang distrito ng Makati City.
Although nama-manage naman niya ang kanyang busy schedule, gusto niyang bumawi nang husto sa kanyang mag-ina, ang kanyang longtime partner na si Maia Azores and their three-year old daughter na si Sarina.
Hindi maikakaila ang pagiging doting father ni Jhong sa kanyang anak na si Sarina na may panibago na namang invitation for an all-expenses paid trip to Hong Kong Disneyland kasama sila ng kanyang partner na si Maia.
Speaking of Jhong, alam niya ang kahalagahan ng edukasyon at hindi balakid dito ang edad. Ayon na rin mismo kay Jhong, ang pagtatapos ng kanyang pag-aaral ay regalo niya hindi lamang sa kanyang sarili, sa kanyang partner at anak kundi lalung-lalo na sa kanyang parents na ang pangarap for him ay makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.
“Gusto ko rin na maging proud ang anak ko na nakapagtapos ang kanyang magulang,” dugtong pa niya.
Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagpapaabot sa kanya at sa kanyang mga kagrupo sa Streetboys ng pagbati dahil sa matagumpay na dance reunion ng grupo last Nov. 8, 2024 sa New Frontier Theater na pinamagatang SB90s kung saan nila naging special guest ang dalawang members ng SB19 na sina Stell at Justin.
Ang matagumpay na dance reunion concert ng Streetboys ay prinodyus ng A-Team ni Ogie Alcasid.