^

Pang Movies

Nadine, collector na rin ng ‘status symbol’

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nadine, collector na rin ng ‘status symbol’
Nadine

Mukhang napikon na ang aktres na si Nadine Samonte sa mga basher na nagsasabi na ginagaya lamang niya si Marian Rivera sa pangongolekta ng mga manika.

Naglitanya si Nadine sa mga akusa ng basher kasabay ng kanyang pag-post sa bago niyang doll collection.

Paliwanag niya ay last August pa siya nagsimulang bumili ng Royal Molly sa Taiwan at na-in love raw agad siya roon at simula noon ay bumibili na siya. Hindi pa raw niya noon nakikita ang posts ni Marian.

Hindi pa nga lang daw niya pino-post dahil gusto niya munang makumpleto ang kanyang royal molly.

Nalungkot siya dahil ang dami raw may toxic mindset ngayon. Sinasabihan daw kasi siyang gaya-gaya sa misis ni Dingdong Dantes at kung anu-ano pa raw.

Nang makita nga raw niya ang posts ni Marian ay kinilig daw siya dahil na-in love raw siya sa Molly at iba pang items.

Nagpadala pa raw siya ng mensahe kay Marian para itanong kung sino ang supplier nito dahil may hinahanap siya at sumagot naman daw ito na nagpasaya sa kanya.

Pati nga raw si Jed Madela na collector din ay natanong niya tapos kung anu-ano ang akusa ng bashers na gaya-gaya raw siya.

Wala naman daw masama kung maging collector din siya at isang tao lang daw ba ang may karapatang mangolekta nito?

Sa inis nga niya ay tinanong pa niya kung sa mga ito ba siya humihingi ng pambili. At bilang ganti sa mga ito ay magpo-post pa siya ng mas marami.

Sey nga ng ibang netizens ay parang naging status symbol na ngayon ang pangongolekta ng manika.

NADINE SAMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with