Proud na umamin... James, bata nang huling makita si Bimby!
Matagal na palang hindi nagkikita si James Yap at ang anak nila ni Kris Aquino na si Bimby. The last time nga raw na nagkita sila ay 10 years ago pa.
Inamin ito mismo ni James nang makapanayam siya ng press matapos siyang maghain ng certificate of candidacy (CoC) nitong nakaraang Martes, Oct. 8. Kakandidato ang basketbolista na konsehal sa 1st District ng San Juan City sa 2025 elections.
Unang natanong si James kung sino ang kasama niya sa pagpa-file ng CoC at sey niya, “actually, ako lang. ‘Yung sister ko kasi nanganak siya e. ‘Yung mga bata may pasok na eh, so ako lang muna. Mga ‘Yapsters’ lang ang kasama ko so nandito sila para suportahan ako.”
Dagdag pa niya, hindi rin nakasama ang partner niyang si Michela Cazzola dahil sinundo ang mga anak nila sa school.
Kasunod nga nito ay natanong siya kung nagkita na ba sila ni Bimby.
“Wala na, 10 years, so okay lang ‘yun,” maikling sagot ni James.
Ibig sabihin nito ay bata pa si Bimby nang huli silang nagkita. But for sure ay nakikita naman niya ang mga larawan ng anak ngayon na binatang-binata na at napaka-responsableng bata.
Sharon, may panawagan!
As always, all-out ang support ni Sharon Cuneta sa kanyang mister na si Francis “Kiko” Pangilinan sa pagsabak nitong muli sa pulitika.
Sinamahan ni Sharon ang mister sa pagpa-file nito ng Certificate of Candidacy last Oct. 8 sa Manila Hotel.
Tatakbong muli si Kiko bilang senador sa Halalan 2025.
Sa kanyang speech ay ipinagtanggol ni Sharon si Kiko sa mga pangba-bash ng netizens at sinabing masakit para sa kanya ang mga akusasyon sa mister.
“Sana po ay tulungan niyo kami dahil alam niyo po ang pagto-troll ng ibang tao. Napakadali maniwala ng Pilipino sa paninira lang. Please do your research,” pahayag ng Megastar sa report ng ABS-CBN.
“When they say walang nagawa si Kiko, that hurts us so much because we know how hard he’s been working. Lahat naman ‘yan mahahanap sa internet. Sana po sabihan n’yo ‘yung iba na sinasabi wala siyang ginawa, my God, ‘yun po ang isa sa pinakamalaking kasalanan na ginawa ng kanyang kalaban,” dagdag pa niya.
Hiling ni Mega sa kanilang supporters, “Sana po ipagkalat natin sa ating mga kapwa na hindi pa naniniwala sa atin at sa ating mga pinaniniwalaan at pinaninidigan.”
AJ, sinagot ang patutsada ni Kylie kay Aljur?!
Tila sinagot ni AJ Raval ang post ni Kylie Padilla tungkol sa kwalipikasyon ng isang mahusay na leader.
Matapos kasing magpahayag ni Kylie ng kanyang opinyon sa Facebook ay may ipinost din si AJ sa kanyang Instagram Story.
Pahayag ni Kylie sa kanyang FB, “A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community. A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles. A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”
Nagkataon namang katatapos lang mag-file nu’n ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica ng kanyang Certificate of Candidacy for councilor in Angeles, Pampanga para sa 2025 election.
Kaya ang hula ng netizens ay si Aljur ang pinatatamaan ni Kylie sa kanyang cryptic post.
The following day ay si AJ naman ang naglabas ng isang quote tungkol sa paghihiganti.
“No revenge, I’ll just pray for you and wish the best for you because you’re God’s child too,” the quote reads.
Bukod dito ay nag-post din ang aktres ng isang Bible verse na tungkol naman sa God’s will.
“Proverbs 16:9. ‘If it’s God’s will, it will happen & nothing will stop it. If it’s not, God has a better plan. Have peace knowing this,’” ang post ni AJ.
Hula ng netizens ay ito ang sagot ni AJ sa statement ni Kylie.
Inaabangan ngayon ng lahat kung sasagot pa si Kylie.
- Latest