50TH MMFF, extended ang deadline!

Vilma Santos

MANILA, Philippines — Extended ang deadline ng submission ng Finished Films sa 50th Metro Manila Film Festival.

In-announce ito sa Facebook account ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Official.

Nasa caption nito, “Deadline Alert! The finished film submission deadline has been extended to Monday, October 7, 2024, at 5:00 PM. Don’t miss out!”

Mabibigyan ng tsansa ang film producers na mapaganda ang kanilang pelikulang isasali, dahil sa naaantala ito gawa ng magkakasunod na bagyo at pagbaha.

Inaasahang rough cut ang isusumite dahil sa marami pang hindi pa tapos na tapos.

Kagaya nitong Uninvited ni Ms. Vilma Santos, sa pagkakaalam namin aabutin pa ng October ang shooting nila. Kaya baka hindi pa tapos na tapos ang isa-submit nila.

Okay naman daw sa MMFF kahit rough cut ito, basta mabuo lang daw ang kuwento.

Tingnan natin kung makakahabol ang iba pang inaasahang magsusumite kagaya ng Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino, ang Untold ni Jodi Sta. Maria, ang family drama na Fatherland ni direk Joel Lamangan at ang Idol: The April Boy Story ng Waterplus Productions.

Show comments