^

Pang Movies

Ria at Zanjoe, engaged na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ria at Zanjoe, engaged na!
Ria at Zanjoe

Come July 28, 2024 ay magsi-celebrate ang celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ng kanilang first anniversary bilang mag-asawa pero bago pa man ang kanilang 1st wedding anniversary ay isang panibagong sorpresa ang dumating sa pamilya ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde nang i-announce ng magkasintahang Ria Atayde at Zanjoe Marudo ang kanilang engagement kahapon, Feb. 20, 2024 after two years bilang magkasintahan.

Zanjoe is 41 at 31 naman si Ria na younger sister ni Arjo.

Sina Zanjoe at Ria ay barkada ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bago si Ria ay naging kasintahan ni Zanjoe si Bea Alonzo pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Hindi naman ikinakaila ng veteran actress-entrepreneur na si Sylvia Sanchez ang kanyang kaligayahan dahil nakita niya kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Si Ria ay katuwang ng kanyang inang si Sylvia Sanchez sa pagpapatakbo ng kanilang family-owned production, ang Nathan Studios, Inc. kung saan din kasama si Arjo. Si Ria ang tumatayong President-CEO ng Nathan Studios, Inc. na ang pangalan ay hango sa pangalan ng kalye ng isang exclusive subdivision kung saan nakatayo ang bahay ng Ataydes.

Reunion movie ng KathNiel, wala nang pag-asa

Ang recent successful reunion concert ng ‘90s Pinoy rock band na Rivermaya na binubuo nina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Mark Escueta at Nathan Azarcon na ginanap sa SMDC Festival Grounds in Parañaque City nung nakaraang Sabado, Feb. 19, 2024 ang naging first public appearance ng Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla pagkatapos ng kanilang much-talked about breakup ng kanyang naging girlfriend sa loob ng 11 years na si Kathryn Bernardo last November 2023.

Bukod sa ilang kaibigan, kasama rin niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Magui.

Kamakailan lang din ay pumirma siya ng panibagong kontrata sa Star Magic ng ABS-CBN. His home studio since 2010.

Excited ang panganay ng singer, actress, host at politician na si Karla Estrada sa mga bagong proyektong  sisimulan minus her former girlfriend.

May movie sila ng kaibigan niyang si Zanjoe Marudo, ang Nang Mapagod si Kamatayan na nakatakdang pamahalaan ni Dan Villegas.

Nariyan din ang The Guest na pagsasamahan nila ni John Arcilla with Jerrold Tarog at the helm. Meron din silang music collaboration with music icon na si Ely Buendia.

For now ay naka-hold muna ang reunion movie sana nila ni Kathryn na nakatakdang pamahalaan ni Direk Cathy Garcia. 

Ang dalawa ay huling nagtambal sa mega hit movie na The Hows of Us in 2018 at ang TV primetime series na 2 Good 2 Be True nung isang taon.

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with