Naghahanap ng paliwanag...
“PLEASE EXLAIN WHY?????!!!!!???” ‘Yan ang sigaw sa Facebook ni Redgie Acuna Magno, overall-in-charge of production ng Metro Manila Film Festival movie na When I Met You In Tokyo sa organizers ng Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
Ang lead actress ng movie na si Vilma Santos ang nanalo bilang Best Actress. Pero hindi man lang binigyan ng nomination bilang best actor si Christopher de Leon na bumiyahe pa sa Los Angelea upang maging bahagi ng unang MIFF.
Bahagi ng FB post ni Tita Redgie, … “really so DISGUSTING!!! NO ONE FROM THE ORGANIZERS REALLY THOUGHT OF NOMINATING HIM??? WHY so? So, MIFF organizers respectfully, we will really appreciate your explanation my Mr. Christopher de Leon was not even considered. PLEASE EXPLAIN WHY????”
Deserve naman ni Boyet na ma-nominate kahit hindi man manalo, ‘ no?
Naku, may mangahas naman kayang magpaliwanag sa MIFF organizers? Gusto agad magpakontrobersyal? Huwag si Tita Redgie ‘no? We support her!!!!
Salamat…
Maraming-Maraming salamat po sa mga tao sa Marinduque na naging bahagi ng Sapin Sa Paa At Gamit sa Eskuwela Outrech Program ng 1 Freedom Society sa ilang bayan doon.
Limang eskuwelahan ang pinuntahan namin na nabiyayaan ang 450 mag-aaral sa bayan ng Sta. Cruz, Torrijos at Buenavista at kitang-kita sa mga mukha ng bata ang kaligayahan sa natanggap nila.
Maraming salamat kay Bokal Mercy Riego Rejano na nag-assist sa amin sa 5 schools; kay Dra. Michelle Rejano at barangay at school officials ng lugar na ito.
Salamat din sa payanig sa last night namin sa kumpare kong si Atty. Ryan Rivamonte na isa nang Assistant Provincial Prosecutor ng Marinduque na may-ari rin ng Dyke Food Park at PorkNok Putok Batok sa Boac; 1 Freedom Society Regie Riego, Oliver Guiyab, Ramon Alcoran, Albert Punzalan, Dikdok Guiyab, at members ng 1 Freedom Society na sumama sa Marinduque. Thanks din sa sponsors na Shi Fah Philippines, Speed Metal Oil, Oana Dental Clinic at iba pa.
May God bless you all!
- Latest