^

Pang Movies

Kapuso young actor, namatay sa aksidente

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kapuso young actor, namatay sa aksidente
Andrei Sison

Batambatang namatay sa aksidente ang teen star ng Sparkle GMA artist na si Andrei Sison sa edad na 16.

Naglabas ng statement ng Sparkle kaugnay ng pagpanaw ni Andrei.

Ayon sa statement, binawian ng buhay si Andrei nung Biyernes nang umaga.

Pero wala nang detalye pang iinilabas tungkol sa diumano’y car accident kundi ang pakikiramay sa naulila niya.

Nakilala si Andrei sa pelikulang Dead Kids na ipinalabas last 2019 at nitong Abril lang siya inilunsad ng Sparkle kasama ang baguhang artists ng Sparkle.

May ilang artista na ring namatay dahil sa aksidente. Kaya ingat lang sa lahat.

Nakikiramay kami sa naulila ni Andrei Sison.

DongYan, handa na sa serye

Kakausapin ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang panganay na anak na si Zia ngayong magbabalik na sila sa trabaho.

Una munang gagawa ni series na Royal Blood si Dong at saka susunod si Marian.

Family drama ang series ni Dingdong habang drama naman ang kay Yan. Balitang isang baguhang aktor ang kapareha niya, huh!

Suwerte naman ng bagong makakapareha ni Yan sa bago niyang drama series!

Of course, aayusing mabuti ng mag-asawa ang schedules nila nang sa gayon ay maiwasang magsabay sila ng araw ng trabaho, huh!

At least, kasado na ang primetime series ng GMA Primetime King and Queen!

vuukle comment

ANDREI SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with