^

Pang Movies

Daddy’s gurl, nag-last taping day na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-last taping day na pala ang Daddy’s Gurl nina Vic Sotto, Wally Bayola at Maine Mendoza at Sparkler artists. But it doesn’t mean na tapos na raw ang airing ng comedy show ngayong Saturday evening, March 25.

Mapapanood pa rin sila every Saturday at sa May 6 ang finale episode nila.

Kris, may inamin tungkol kay Aljur

Sexy preggy mom-to-be ang comment ng viewers ng Fast Talk with Boy Abunda nang mag-guest sa show si Kris Bernal. Five months preggy na kasi ang actress pero hindi pa masyadong halata ang kanyang tummy.  Natanong muna ni Boy si Kris tungkol sa pagpasok niya sa pag-aartista, na ka-love team lang ba sila ni Aljur Abrenica, dahil sila ang winners noon ng reality show na StarStruck, hindi ba siya niligawan nito? Seventeen years old pa lang daw siya noon, hindi raw siya niligawan ni Aljur, nagparamdam lang ng konti, pero hindi raw nag-work as real, hanggang loveteam lamang sila talaga.

“Naramdaman niya siguro na parang hindi rin ako interesado,” sabi ni Kris. “May mga times pa nga na hindi kami nagkakasundo, pero kailangang mag-sweet-sweetan kami dahil nga loveteam kami. Noong nag-work na kami talaga sa mga teleserye, wala pa rin dahil may girlfriend naman siya noon.”

Samantala, lumpiang togue raw ang pinaglihihan ni Kris sa kanyang coming baby.  At ngayon daw na magkaka-baby na sila ng husband niyang si Chef Perry Choi, nagbago na raw ang pananaw niya sa buhay,  mas concern siya sa future ng baby, wala na siyang luho, gusto niyang matutunang lahat ang pag-aalaga sa baby nila.

Dalawang anak daw lamang ang gusto niya at kapag kaya na niya, muli siyang babalik sa pag-arte. When asked kung magkakaroon sila ng gender reveal, “yes, next month sa 6th month ng baby.”

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with