^

Pang Movies

Issa, sumagot sa ‘victim card swiped’ kay Nadine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Issa, sumagot sa �victim card swiped� kay Nadine
James Reid and Issa Pressman Issa Pressman via Instagram

Sagot daw ni Issa Pressman sa ilang araw nang pamba-bash sa kanya ang post sa kanyang IG story na “There’s a lot of love in the world.” Kaya lang, kahit ang post niyang ito na positive na nga, na-bash pa rin siya.

May nag-comment na “The design is very plastic,” “A lot of love and yet you didn’t show love to your “friend”. Betrayal is not a lovely thing,” “You don’t date your friend’s exes.” May nag-comment pa ng “Girl code” at “Victim card swiped.”

Marami talaga ang naniniwala na Issa betrayed Nadine Lustre, kaya kahit matagal nang break sina Nadine at James Reid at kahit nagpaliwanag na si Yassi Pressman, hindi pa rin maalis sa isip ng netizen, lalo na ang pro-Nadine na niloko siya ng “friend” niyang si Issa.

David, niregalo ni Zeinab sa kapatid

Sikat na nga si David Licauco dahil kasama na sa schedule niya ngayon ang pag-attend sa birthday party ng kanyang fan. Si David kasi ang pangsorpresa ng influencer na si Zeinab Harake sa kapatid nitong si Rana. Sa mga lumabas na larawan, kita ang pagkabigla at ang tuwa nito.

Magkaibigan sina Zeinab at David at nag-collab yata sila sa isang vlog, kaya ni-request nito kay David kung puwede siyang ipangsorpresa sa kanyang kapatid at pumayag naman ito.

Fan pala si Rana ng FiLay love team nina David at Barbie Forteza at tumutok sa Maria Clara at Ibarra, kaya lalong hindi siya mahindian ni David. Sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ni David sa UPTown Mall, sa Kuya Korea nangyari ang pagkikita nina David at Rana.

Huwag awayin ng FiLay fans si Rana dahil married na ito at fan lang talaga siya nito. Nabiro nga ang mister niya na pagbalik niya from the US, si Barbie  naman ang ide-date niya.

Dingdong, sa baseco magso-shooting

Nagsimula na pala ang shooting ng Firefly, ang flagship movie ng GMA Public Affairs na kasama sa cast sina Dingdong Dantes, Max Collins, at Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Sa Baseco ang shooting at isa sa mga location ng pelikula na ngayon pa lang, marami na ang gustong mapanood dahil sa cast at sa love team nina Miguel at Ysabel. Idagdag pa ang story ng movie na tungkol na dapat ‘wag mawalan ng pag-asa habang nabubuhay ang isang tao.

Hindi pa nababanggit ang playdate ng Firefly na inakala noon ay isa-submit sa 2023 Metro Manila Film Festival, kaya mauuna pa ring mapanood sina Miguel at Ysabel sa Voltes V: Legacy na malapit na ang airing.

Sofia at Daniel, nagpakilig sa kusina

Nag-enroll din sa culinary school ang mag-partner na sina Sofia Andres at Daniel Miranda at sa Center for Culinary Arts Manila sila nag-enroll. Ang cute lang na sabay silang pumapasok, at sabay natututo.

Kahit busy sa kitchen, may time rin silang magpakilig, kaya ang fans, panay ang request na tuluy-tuloy lang ang pagpo-post ni Sofia ng photos at video nila habang nasa kitchen ng CCA Manila.

“I can talk about food all day and my friends know that it’s always been my dream to become a chef. This is more excting because I’m doing this with you @danielmiranda,” post ni Sofia.

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with