^

Pang Movies

Derek at Ellen, ayaw paistorbo sa New Zealand!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Derek at Ellen, ayaw paistorbo sa New Zealand!

Habang ang iba ay panay lang ang manifest na maka-abroad, iba ang mag-asawang Derek Ramsay and Ellen Adarna.

Nasa abroad na naman kasi ang mag-asawa kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz,  si Elias. Sa New Zealand..

At ito ang rason kaya raw hindi nakakasagot si Ellen sa mga nagme-message siguro sa kanya.

Do not disturb mode raw sila.

“Sorry if i don’t respond DND mode. BRB in 3 weeks!” caption nito.

Baka raw gumagawa na ng sariling baby ang mag-asawa.

Paolo, nag-pictorial nang nakahubo para kay Ryan!

Swak ang caption ni Ryan Agoncillo sa black and white photo ni Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram page kahapon.

“minimum effort, maximum impact,” sabi ni Ryan kay Paolo habang nasa dressing room na animo’y naked photo.

Boots lang ang makikitang suot nito habang nasa harap ng salamin at nagmi-make up.

Actually parang hindi si Paolo ang nasa picture.

At parang naging kamukha siya ng namayapang aktres na si Cherie Gil.

May anak na si Paolo pero kilala siyang cross-dresser. Wala namang direktang pag-amin na siya ay gay.

Samantala, inaabangan pa rin kung ano ba talagang magiging kaganapan sa Eat Bulaga very soon kung saan regular sina Ryan and Paolo.

Julia, may pina-practice sa sarili

“Believe in yourself,” umpisa ni Julia Montes sa kanyang post.

“one of the affirmation i’m practicing … sabi nga lagi sakin ni Tita Susan (Roces) “pat yourself” acknowledge your efforts,” dagdag niya.

At marami namang nag-agree sa kanya.

Nagkaroon sila ng closeness ng sumakabilang-buhay na movie queen nang magkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sinasabi ngang isa ang dating movie icon sa mga taong pinagsasabihan ng totoong status nila ni Coco.

Last week lang nag-birthday si Julia at kasama sa mga bumati sa kanyang ang isa pang malapit sa kanila ni Coco, si Sharon Cuneta.

“Sweetest Greeting from Mommy Sha @reallysharoncuneta I love you hello also to @frankiepangilinan so pretty and nice to see you also.”

May mga naghihintay pa rin sa kanila ng aktor na umamin officially ng kanilang totoong relasyon at kung true rin ang diumano’y baby nila.

Zanjoe at Ria, sa kasal din ang hantong?!

Wow pamilyang-pamilya na si Zanjoe Marudo ng mga Atayde.

Kahapon sa birthday ng girlfriend niyang si Ria ay talagang makikita ang super closeness ng actor sa buong pamilya nila Ria – Sylvia and Art Atayde at sa mga kapatid ng White Castle Calendar Girl.

Andun din ang malalapit na kaibigan ni Ria sa pangunguna ni Kathryn Bernardo.

Hindi masyadong lantad sa social media ang relationship nila pero ang hula, sa kasal din hahantong.

Maingay na maingay ang kuwentong may petsa na ang kasal nina Cong. Arjo and Maine Mendoza.

James, Liza, Enrique et al, pinamo-move on na, ex ng aktor may hugot!

Supportive jowa ang mabilis na reaction ng followers ni Liza Soberano nang mag-post siya kahapon ng “Deleted scene: She’s inlove with Sundays and @gucci” na ang isa sa mga unang nag-comment ay si Enrique Gil.

Dama naman talaga raw na hindi sila split at ang mga netizen lang ang nag-a-assume na hiwalay na talaga sila dahil sa mga kaganapan nang magkaroon ng tell-all vlog ang actress.

Shoutout din ng mga netizen, mag-move on ang lahat.

Umay na raw ang iba sa sa isyu kina Liza, James Reid, et. al.

Pero ang isang issue rin kahapon ay ang IG story ng ex ni James na si Ericka Renee. Sabi kasi nito “What goes around comes back around.”

Ang analysis, may pinatatamaan ito.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with