Alfred, iba ang awra
Dahil siguro Atenista at ngayon kumukuha pa ng master’s sa UP, may kakaibang aura si Coun. Alfred Vargas.
Kitang-kita mo ang confidence at conviction sa mga salita niya, at iba ang approach niya sa mga bagay na nangyayari sa paligid.
Good family man at father din si Alfred.
Nag-try at nagtagumpay sa politics, pero talagang acting ang lagi niyang hinahanap. Balik siya sa showbiz at nasa soap na AraBella ng GMA 7 at sabik na ginagawa ang Pieta kasama sina Nora Aunor, Jaclyn Jose at Gina Alajar.
Sa edad niya talagang masasabi mong big achiever si Alfred na wind beneath the wings ni Cong. PM Vargas.
Talagang ito ang trophy ni Alfred, ang makita si Cong. PM Vargas na maging mahusay na politician at matupad ang mga pangarap ng batang kapatid.
Sobrang close ang magkakapatid na mga Vargas dahil wala na silang father at mother. Kaya silang magkakapatid ang nagsisilbing pader ng bawat isa.
Kaya naman tagumpay ng isa, tagumpay para sa kanilang lahat na siblings.
- Latest