^

Pang Movies

Enrique, namigay ng cash sa Bataan!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Enrique, namigay ng cash sa Bataan!               
Enrique

Habang patuloy na nagkakalat at umaani ng ngitngit ng bashers si “whispering Hope”,  namigay naman ng ayuda ang kanyang dating ka-love team at karelasyon na si Enrique Gil.

Nakunan siya ng pictures ng ilang netizen na namimigay ng “cash na isandaang piso” sa mga mahihirap sa isang lugar sa Bataan.

Kahit saan man ‘yan ang importante nakaalala siyang tumulong.

 At ang maganda sa ginawa ni Enrique, walang publisidad.

Hindi nga namin malalaman iyon kung hindi namin nakita ang Internet posts.

Hindi siya nagsasalita tungkol sa mga bagay na iyon. Ang mga taong natulungan niya ang nagsasalita  tungkol doon, at wala silang duda sa kagandahang loob ng actor.

Dahil kung iisipin, ano nga ba ang dahilan para mamigay siya ng ganoong tulong?

Ikalawa, wala naman siyang kakilala sa nasabing lugar.

Hindi mo rin naman masasabing may ambisyon siyang political kaya siya gumagawa nang ganoon.

Hindi naman siya kasing tayog ng lipad ng saranggola ni Pepe ang ambisyon sa buhay.

Hindi siya nangarap na maging actor sa Hollywood, o kahit na Bollywood actor.

Malakas ang aming kutob na napasyal lang siya sa nasabing lugar, nakita niya ang pangangailangan at naisip niyang magbigay ng tulong, kaya hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong bumili ng ayudang kanyang ipamimigay kaya nag-abot na lang siya ng tig-iisang daang cash sa mga tao roon.

Rob, may nadiskubre sa iniwang condo

Natawag ang aming pansin ng post sa social media account ng modelong si Rob Mananquil.

Matapos ang pandemic, finally nakabalik din daw siya sa Pilipinas. Nang magbalik, tumigil daw muna siya sa bahay ng kanyang mga magulang para magkaroon naman ng panahong magkasama sila.

Isa pa, gusto muna sigurong ikundisyon ni Rob ang isip at ang sarili niya, dahil ilang buwan ang nakaraan, umalis sa kanilang tahanan ang kanyang asawang si Maxene Magalona at nagsabing hindi na sila maaaring magkasundo ni Rob at lumipat iyon sa sarili niyang condo.

Matapos daw ang tatlong linggo, pinuntahan ni Rob ang kanyang condo kung saan din nagsama sila ni Maxene matapos ang kanilang kasal, at sabi niya ang nakita niya ay marami siyang nasirang gamit, maraming nakatambak na basura, at ang matindi sa lahat, marami raw siyang nakitang mga bakas at sisidlan ng droga.

Wala naman siyang ibang reklamo. Wala naman siyang tinukoy kung sino ang posibleng nagdroga sa bahay niya.

Siguro gusto lang muna niyang gumawa ng sarili niyang imbestigasyon sa nangyaring iyon sa condo niya.

Aktres, inaakay na ‘pag naglalakad

Nang dumating kami sa isa sa mga paborito na­ming restaurant para mag-dinner, may nagsabi sa amin na noong maaga-aga pa raw ay dumating doon ang isang aktres. Nagulat kami sa kanyang description sa aktres.

 “Ang tanda-tanda na pala niya sir, mabagal nang kumilos at inaakay na sa paglalakad. Mahina ang boses na hindi ko halos maintindihan ang kanyang order, buti na lang inuulit iyon ng kanyang mga kasama. Bakit kaya ganoon na ang kanyang hitsura,” sabi ng nagkuwento sa amin.

Malay ko ba at paki?

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with