^

Pang Movies

Monching, kumabog ulit ang dibdib kay Lotlot

Gorgy Rula - Pang-masa
Monching, kumabog ulit ang dibdib kay Lotlot
Monching at Lotlot

MANILA, Philippines — Ngayong gabi na magsisimula ang bagong drama series ng GMA Public Affairs na The Write One.

Inaasahang mapapalakas nito ang GMA Telebabad, para tuluy-tuloy na maganda ang mapapanood pagkatapos ng 24 Oras; ang maaksyong Mga Lihim ni Urduja, ang madrama at ang ganda ng quality na Hearts on Ice, at ito nang The Write One na may pagka-K-drama rin ang dating.

Bukod ang tambalang Ruru Madrid at Bianca Umali, at ang masaya ring magkasintahang Paul Salas at Mikee Quintos, abangan din natin ang pagbabalik tambalan nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

“Welcome back to the ‘80s!” na nga sabi ni Lotlot.

Ayon sa aktres, nagandahan daw siya talaga sa script kaya tinanggap niya ito. Hindi naman daw isyu sa kanya nang sinabing makakasama niya rito si Monching.

“It’s always a blessing to have project, but it’s double blessing if you’re working with the right people and kung maganda ‘yung outcome ng project.

“When this was presented to me and I heard about the story, I said why not. And they said Mon is going to be there, I said, why not. And it’s been 20 years this year, since we’ve done together on screen. So, bakit hindi na lang natin iisa.

“So, it’s so nice to work with all these young actors, and our production, our director, mas sobrang nakalatag lahat ‘yung plano nila. Ang ganda ng lahat. Smooth sailing ang lahat, and I think mas today, correct me if I’m wrong, mas na-inspire tayong lahat after we saw this beautiful trailer that was presented to you today,” pahayag ni Lotlot sa nakaraang mediacon ng The Write One.

Masaya naman daw si Monching na nakatrabaho niya ulit si Lotlot, pero hindi maiwasang kabahan daw siya nung mga unang taping days nila.

Pero siyempre, ang pinakamasaya raw dito ay ang mga anak nila.

“Nung una, siyempre ninerbyos ako, pero kasi matagal na kaming hindi nagka-work. So, baka hindi na sanay,” napangiting pahayag ni Ramon Christopher.

“Siya talaga ‘yung nenerbyosin sa akin,” bulalas ni Lotlot.

“Everything was smooth. And prior to this project naman, because we have four children between us. But we never had a problem. So, this is actually a blessing. Masayang-masaya ang lahat na anak ko,” sabi pa ni Lotlot.

Romnick at Elijah, maingat sa atake sa pelikula

Ibang klase ng pelikula naman itong handog ni direk Jun Lana sa entry niyang About Us But Not About Us sa Summer Metro Manila Film Festival.

Thriller ang genre pero dalawa lang ang artista rito na kuha sa isang lugar lang.

Naka-focus lang kina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas, pero hindi ka mababagot.

Bago mo panoorin ang pelikulang ito ay dapat nakaihi ka na, para matapos mo itong walang ma-miss.

Magaling sina Romnick at Elijah na aminadong pareho silang may natutunan sa pelikulang ito.

Ani Romnick, “It’s a clarification of truth. May katotohanang bitbit ‘yung istorya e, and it talks about people in general, and how we project ourselves in general, and how easy for us to forget na there are times when we project one thing, do another and to expect people to see something else.

“It’s the duplicity or the dichotomy of the things that we do in sane na napakaklaro ng pagkakuwento sa istorya. Ang ganda lang niya talaga.”

Maingat daw sila sa atake nila sa role na ginagampanan nila dahil sinabi ni direk Jun sa kanila na kuwento niya ito at ang pagkatao niya ang ginagam­panan nilang dalawa.

“Kasi nga ito ‘yung pinaka-personal na script ni direk Jun to date. Ramdam na ramdam n’yo po ‘yun, before we even started breaking, and in-explain niya kung gaano ka-personal ‘to and how these characters are himself talaga.

“While we were making it, may immense pressure for us to deliver on that, kasi nga we know how personal it is. But at the same time, he couldn’t have been more helpful ang collaborative to achieve that goal.

“So, aside from natutunan ko personally sa craft, acting, marami akong natutunan about people in general, kasi napaka-honest po talaga ng pelikulang ito,” saad ni Elijah Canlas.

LOTLOT DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with