Totoo pala na puno na halos ang lahat ng hospital. Si Claire dela Fuente sa ER na inabot, si Papa Erap Estrada, matagal naghintay sa ER bago nabigyan ng kuwarto. Totoong nasa delikado ang lagay ng mga hospital sa rami ng mga pasyente.
Hindi nga ba inabot pa noon ng one week si Donita Nose bago siya nabigyan ng room, kaya doon lang siya sa ER muna nag-stay.
Dapat na talagang maging maingat ang lahat, hindi na puwede ang lakas lang ng loob sa ganitong sitwasyon.
Kailangan talaga ikaw mismo ang tumulong sa sarili mo. Kung si Papa Erap at Claire ay hindi nabigyan agad ng room, isipin mo ‘yung mga ordinaryong mamamayan kung saan ilalagay?
Kaya nga, ingat, doble o triple, dahil baka talagang hindi na natin kayanin.
Maraming celeb, nagro-rosaryo
Isa sa inasikaso ni Manay Marichu Maceda noong nabubuhay pa siya ay ‘yung collab nila ni Bishop Soc Villegas na Holy Rosary Hour. Doon nga nalaman ng lahat na Marian devotee pala sina Vic Sotto at Joey de Leon.
Marami agad ang stars na sumali sa inumpisahan nilang campaign para sa rosary hour na kung puwedeng gawin regularly bilang pagtawag ng tulong sa Ina ng Laging Saklolo o Mama Mary, sina Alden Richards, Marian Rivera, Dingdong Dantes.
At si Kris Aquino na talagang nagro-rosary everyday dahil namana niya ang ugali ni Tita Cory Aquino. Kaya siguro Manay Ichu Maceda died a quiet death, hindi pinahirapan dahil sa kanyang devotion sa Holy Rosary.
Sana ugaliin natin ito, para lagi tayong bantayan ni Mama Mary. Lagi nating hingin na bigyan tayo ng lakas sa lahat ng pagsubok. At sana, lagi tayong bantayan ni Papa Jesus. Amen.