Bentang-benta sa netizens ang KAP (Kaalaman Ating Palawigin) Program ni Senator Bong Revilla Jr. na kanyang inilunsad.
Sa unang salang nito, 2,000 benepisyaryo ang nabiyayaan ng gadget giveaways mula Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region.
Inulit ng senador ang KAP sa pamamagitan ng Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway na tinutukan ng maraming Pinoy. Umabot nang halos 1.5M na reach, 79K shares, 834K comments, 34K ang like/heart/care at 656K views.
Umabot sa P20M sa kabuuan ang naipamahagi ni Revilla sa gadget at pera na si Senator Bong mismo ang nag-host kasama si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite Vice Governor Jolo Revilla, at sina Moymoy Palaboy at Benjie Paras.
Magbabalik na sa TV si Sen. Bong sa Agimat ng Agila. “Puwede nga itong pampelikula. Pelikula ang pagkakadirek ni direk Rico (Gutierrez). Ganoon kalaki ang ginawa namin na ginastusan ng GMA.
“That’s why I’m very. Very thankful kay Mr. (Felipe) Gozon na pinayagan niya akong makabalik sa GMA.
“Alam mo naman kung sino ang nagmba-bash. Mga kalaban ko sa pulitika! Tama na! Hindi ba tayo tatahimik sa ganyan?” pahayag ni Sen. Bong sa get together nila ni Mayor Lani sa press tungkol sa kanyang comeback project sa GMA 7.
Nakatakda na sana siyang mag-shoot ng movie under Imus Productions. Naudlot ito dahil sa pandemic na dala ng COVID-19. “Budots Man ito at si direk Frasco (Mortiz) ang magdidirek. Si Arci Muñoz ang leading lady at si Baron Geisler ang kontrabida!
“Naglakihan na ‘yung mga bata. Comedy, fantasy, action. Shelved muna for the meantime,” sabi ng senador.
Ang Budots ay isang sayaw na ginawa ni Bong sa campaign jingle niya sa huling eleksyon na ikinabalik niya bilang senador.