‘Thank You Mother and Manay’

Naalala ko bigla sila Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Maceda noong isang gabi.

Sila ang dalawang haligi ng showbiz na hindi ko ma-imagine na hindi na gaanong active sa kasalukuyan dahil nga siyempre mga senior na, maingat na rin sa pagkilos, at for a while nga na-hospital pa si Manay Ichu at nagkaroon naman ng health scare si Mother Lily.

Silang dalawa ang tinuturing kong second mother, my guardian angels at tutors.

Lagi akong spoiled sa kanilang dalawa, para bang kahit anong gawin ko, napapatawad nila.

I cannot imagine myself surviving in showbiz kung wala sila sa mga kagagahan ko. Sila ang naging rocks ko to protect me, nagkaroon ako ng ‘power’, haha. Natikman ko ang ‘buhay mayaman’ dahil kay Manay Ichu at Mother Lily kaya siguro naging ultimate social climber ako.

Ngayon ngang parang semi-retired ako, nami-miss ko talaga yung afternoon hanggang midnight chikahan with Mother Lily and Manay Ichu.

Ako nun ang dakila nilang alalay na enjoy na enjoy dahil nga social climber ako at tuwang-tuwa pag sinasabi siya si ‘Lolit iyan, iyon ang laging kasama ni Manay Ichu at Mother Lily’, iyon ang aking claim to fame hahaha.

Basta lagi sila in my prayers. At forever grateful ako sa pagmamahal nila.

All my life I will always say Thank You Mother and Manay, you made me, I am where I am because of you, you are my second family, love you. Forever promise.

Coco hindi pinatulan Si Robin!

Hanga ako sa pagiging very gentleman ni Coco Martin.

Hindi niya pinatulan mga hugot ni Robin Padilla.

Tahimik lang siya, at bakit nga naman niya sasagutin ang mga pasabog nito gayung ang mga taong mismong sinasabi ni Robin na ‘inapi’ niya ay hindi nagrereklamo.

Kung talagang apektado ang mga ito sana nauna na silang nagsalita. Shoot the moon ang mga banat ni Robin, hindi mo alam kung saan nanggagaling, kaya the best way is to keep quiet, wala lang, kibit-balikat lang.

‘Yun ang tunay na validation ng pagiging tunay na lalaki, magsalita lang pag nasa punto, sumagot lang sa issue at huwag kung anu-anong bagay ang idinadamay.

Sa issue nga na ito, winner ang puwesto ni Coco, quiet and may substance. Iyon kay Robin Padilla, parang all bark no bite ang da­ting.

Talagang you cannot argue with success. Iyon lang.

Show comments