Halos dalawang dekada na Ice Seguerra inilantad ang depression!

Ice Seguerra , Aiza Seguerra

Ang tindi pala ng pinagdaraanan ni Ice Seguerra na dating Aiza Seguerra.

Ayon kay Ice, nag-umpisa ang kanyang nararamdaman noon pang ‘2000’s’ matapos ma-diagnosed na meron siyang depression and anxiety. simula ng post niya.

At ang pinaka-latest na atake nito ay sa maiksing pag-upo niya sa isang government position at lumala nang nang mag-resign siya sa position at bumalik sa showbiz. “Suddenly, I felt like an outsider. Parang first timer na I had to navigate my way through things again. I felt lost and displaced.

“For the longest time, I wasn’t really feeling anything. I was numb. The things that would normally make me happy or excite me, wala akong pakiramdam. I decided to see my doctor again when it started affecting my work and my relationship. I’m already introverted but at the height of my depression, i just wanted to be alone. Not get out of bed. No strength to get out of the room. Ayokong makakita ng tao. If I have work, kumakanta ako pero wala akong nararamdamang kaba, lungkot o saya. Walang empathy. Walang passion. Wala. Kumanta LANG ako. When it started to affect my relationship with Liza and other people I love, I knew I needed professional help.

“Bumalik ako sa doctor ko early this year and I’m glad I went back to her. I’m starting to feel things again. Mas na eexcite na ako ulit about life. Yes, there are moments na I feel sad but mas madalas na nakakaramdam ako ng saya. I have a strong support group and right now, I’m just happy to feel things again.”

Sa kabila ng lahat, hindi nakitaan ang mag-asawang Ice at Liza (FDCP Chair / CEO Liza Diño) na meron silang ganung dinadala.

Bea may pahaging sa pelikula nila ni John Lloyd

Nagpahaging na si Bea Alonzo sa pelikulang gagawin nila ni John Lloyd Cruz.

Nauna na ngang kinumpirma ng ABS-CBN insider na may reunion movie ang dating magka-loveteam.

Definitely daw, this year ang shooting pero sa 2020 pa ang showing ayon sa source.

“Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?” post ni Bea gamit ang picture nila para sa isang ini-endorsong Shawarma.

Teka, nakakatulong kaya ang presence ng actor sa nasabing pagkain?

Kasi ‘yung ini-endorse niyang pabango ayon mismo sa may-ari nitong si Mr. Joel Cruz, mabagal ang usad sa market simula nang maging inactive sa eksena ang actor.

Show comments