Actually matagal nang hindi nagpapalabas ng Tagalog movies ang ibang mga sinehan.
Hindi ang reklamo ni Jasmine Curtis tungkol sa pelikula nilang Maledicto ang unang nabiktima ng ibang mga sinehan na hindi na priority ang pagpapalabas ng local films.
Marami na actually ang nagrereklamo tungkol dito, hindi lang masyadong napapansin.
Minsan kahit first day pa lang, dalawang screening na lang daw ang Tagalog movies as in sinisingit na lang at ang ibinabalik din naman ng mga sinehan ay mga foreign movies na naipalabas na. Bago pa raw itong Avengers: Endgame, matagal na itong inire-reklamo ng ibang manonood.
Sana nga maayos ito bago tuluyang mahuli ang lahat at sa mga streaming site na lang natin mapanood ang mga pelikula.
Bongga si Kent…Sharon, John at Director Erik, puring-puri ang baguhang aktor
Ang husay-husay daw ng baguhang young actor na si Kent Gonzales sa una niyang sabak sa big screen via Kuwaresma mula sa unang joint venture ng Reality Entertainment at Globe Studios.
At ito ang rason kaya mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng shooting, tumanggap siya ng papuri at paghanga mula sa bidang sina Sharon Cuneta, John Arcilla at writer-director Erik Matti.
Aksidente ang pagkadiskubre ni direk Erik kay Kent. Naispatan siya ng director sa singing audition sa Reality Entertainment office. That time, naghahanap siya ng gaganap nilang anak nina Sharon at John.
“Wala siyang experience sa acting. Commercials pa lang ang nagawa niya. Pero isang basa lang nakita ko na ‘yung lalim niya. Raw, organic ang acting niya. Malaki ang potensiyal!
“First scene pa lang niya, homecoming, si Sharon ang kaeksena. Iyakan. Hindi ito artista, huh! Hindi nagti-TV. Binigyan ko rin siya ng five-page monologue, panalo siya!” pahayag pa ni Erik sa baguhang si Kent.
“Kent was all in from the very beginning to end. Walang problema. I felt na ako ang mommy niya pag magka-eksena kami.
“Tinanong ko siya nu’ng una if he would mind na alalayan ko siya. Pag kailangan, tini-tension exercise ko siya. Kailangan kasi galit siya Kent eh napakabait na bata. Tinakot ko!” kuwento ni Megastar Sharon.
Batbat ng iyakan at sumbatan ang mga eksena nina Sharon at Kent. Pero kahit baguhan, nakipagsabayan daw talaga ito.
Mas matindi pa diumano ang pagganap ni Kent kapag kasama sa eksena si John. Naitawid niya nang husto ang lahat mula sa simple hanggang sa confrontation scenes nila.
“Kent was very good! Hindi siya natakot sa akin! Ha! Ha! Ha! I like his attitude towards his craft. Salamat at siya ang napiling anak namin ni Sharon sa movie,” bulalas ni John.
Overwhelmed si Kent sa papuri ni direk Erik, Sharon at John.
“Sa movie na ito, grabe ang pinagdaanan ko. I had the most challenging, thrilling role. Napakasaya ko. Hindi sila nagkulang sa akin sa pag-guide!” lahad ni Kent.
Todo ang back up ng Reality Entertainment sa unang sabak niya sa pelikula dahil kinakitaan siya ng kinabukasan bilang aktor. Inihahanda ng film company nina Dondon Monteverde at Erik Matti ang susunod na projects ni Kent bilang kanilang, “The Next Important Young Actor!”
Mapapanood ang Kuwaresma sa Mayo 15!