Harlene at Romnick inaayos ang hatiian ng ari-arian

Harlene Bautista

Pinanindigan ni Harlene Bautista na walang third party na sangkot sa hiwalayan nila ng kanyang soon to be ex-husband na si Romnick Sarmenta.

Basta ang sabi ni Harlene, matagal nito na pinag-isipan ang desisyon as in hindi ito parang isang umaga na nagi­sing siya na ayaw na niya.

“I’m happy” ang walang alinlangan na dialogue ni Harlene nang makausap siya ng mga reporter sa filing ng candidacy ng kanyang kapatid na si Hero Bautista.

Nagulat ang mga reporter nang ma-sight nila si Harlene dahil maaliwalas ang mukha niya at talagang ramdam ang kanyang happiness.

Dahil happy si Harlene, gusto rin niya na ma­ging happy si Romnick.

Inaayos na ng dalawa ang hatian ng mga ipinundar na ari-arian at co-parenting sa limang anak nila ang kanilang kasunduan.

Inamin ni Harlene na ikinalungkot ng mga bagets ang nangyari pero alam niya na darating ang araw na maiintindihan ng mga bata ang naging desisyon nila ni Romnick.

Ngayong single na uli siya, maraming plano si Harlene tulad ng pagtutuon ng atensyon niya sa movie company nila, ang Heaven’s Best Entertainment, ang producer ng Rainbow’s Sunset na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Anyway,  member ng Team Joy si Hero Bautista kaya present si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa filing niya kahapon ng COC sa Comelec, Quezon City.

Kasama ni Mama Joy ang kanyang running mate, si Gian Sotto na kakandidato na vice mayor ng Quezon City.

Nagpapasalamat si ­Gian sa suporta na nata­tanggap niya mula kay Mama Joy at sa kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Never na pumasok sa isip ni Gian na dara­ting ang araw na susundan niya ang yapak sa public service ni Tito Sen na nanilbihan din noon bilang bise-alkalde ng Quezon City.

Joy at Mikey deserving!

Alam mo Mama Salve, kung gaano ka­bi­lis ang panahon pag ang mga anak ng da­ting mga bata pa na kasama mo ang siyang nakikita mo ngayon. Ang magkakapatid na Papa Miguel, Kevin at Isaac Belmonte dala-dala lang lagi ni Ma’am Betty Belmonte sa office at naglalaro habang nagsusulat siya, ngayon kandidato na sa 2nd district ng Quezon City si Mikey Belmonte na anak ni Papa Miguel. Ang bilis lang talaga.

 Ang babait ng anak ni Papa Miguel, si Regina nung nakita ko sa isang okasyon, lumapit pa at nagpakilala.

Si Mikey siguro nagmana sa kanyang lolo Sonny Belmonte kaya pumasok sa politics. Trustworthy at work oriented ang pamilya Belmonte kaya sure akong Mikey will be a good public servant.

Sana nga puwede pa akong maglibot, gusto kong makita si Mikey in action pero siyempre busy ang lola Lolit mo Mikey sa panonood ng K drama. Pero sure ako proud na proud ang mother (Milette) at father (Miguel) niya. Ang mga Belmonte ay tunay na mga taga-Quezon City kaya alam nila by heart what to do sa QC. Joy Belmonte for mayor, Mikey for councilor. Why not? Deserving sila.

Show comments