May bagong mensahe si Sunshine Cruz para sa broadsheet columnist na si Dolly Ann Carvajal na best friend ng ex-husband niyang si Cesar Montano.
Sa kanyang Facebook account, nag-post siya ng link ng column ni Dolly Ann na lumabas sa isang broadsheet kung saan ay nagbigay ng pahayag si Cesar for the first time tungkol sa kanilang annulment.
Sa caption ay sinabi ni Sunshine na hindi raw maikukumpara ni Dolly Ann ang experience nito sa kanya bagamat pareho rin silang annulled sa asawa.
“Since you’ve always been defensive, vocal and a proud BFF of my EX, I’ve said it before and I’ll say it again. Given that you Ms. Dolly Ann Carvajal have gone through an annulment as well, you will NEVER be able to compare your experiences from mine.
“I don’t know if you would recall when I sent you a text message few years ago stating that I don’t expect sympathy coming from you. I just simply reminded you that you are a mother and a woman as well,” ang mensahe ni Shine kay Dolly Ann.
Sa article naman ng columnist ay mababasa ang maikling pahayag ni Cesar regarding the annulment, and we quote, “I believe God allows everything to happen for a purpose. Marriage is one of the most expensive schools of highest learning in life. But more valuable than money is time. God didn’t let me get out of it without learning something. God is good, all glory to Him.”
Ayon naman kay Dolly Ann, nakaka-relate daw siya kay Buboy at hangad niyang maging magkaibigan ang ex-couple alang-alang sa kanilang mga anak.
“Since my marriage has also been annulled many love stories ago, I can totally relate with Buboy. But just because a marriage ended, it does not mean that it failed if both parties have become better persons and learned what they had to learn.
“For whatever Buboy and Shine have shared is worth and for the sake of their three lovely daughters, may they find their way back to friendship and honor the memory of the love that brought them together, once upon a time,” Dolly Ann wrote.
Adrian 16 years bago ulit nabigyan ng lead role
Pagkatapos ng kanyang maikli pero markadong role sa Onanay ng GMA-7, sa ABS-CBN naman ngayon mapapanood si Adrian Alandy, sa seryeng Kadenang Ginto starting today, sa Kapamilya Gold.
At excited siya sa Kadenang Ginto dahil ngayon lang daw siya ulit nabigyan ng lead role sa ABS-CBN. Ang last lead role pa raw niya sa Kapamilya network ay taong 2002, ang Sa Dulo ng Walang Hanggan.
Hindi naman daw ang Kadenang Ginto ang dahilan kung bakit pinatay ang karakter niya sa Onanay kung hindi simula pa lang daw ay talagang alam na niyang pilot week lang siya at nabanggit na rin sa kanya ng manager na si Noel Ferrer na may project ring nakaabang sa ABS-CBN.
Ano ang feeling niya na nabigyan siya ulit ng lead role sa ABS-CBN after 16 years?
“Kinakabahan kasi di ba, for the longest time, I mean, sa mga mga movies nakakapag-lead ako pero sa mga series... alam naman natin kung gaano kalaki ang ano ng ABS-CBN. May pressure nang kaunti,” aniya.
Kwento nga niya, supposedly ay part siya ng cast ng Araw Gabi noong November last year pero hindi natuloy kaya naman he’s happy na nagkaroon pa rin siya ng offer.
“Kaya nung nag-offer ulit for this show, tinanggap ko na right away. Hindi ko naman alam na lead role noong una. Medyo surprised at alam mo ‘yun, medyo may added pressure sa sarili mo dahil you need to do good, you need to perform really well,” he said.
Kasama ni Adrian sa Kadenang Ginto sina Beauty Gonzales, Dimples Romana, Albert Martinez, Andrea Brillantes and Francine Diaz.