Isang simple 23rd birthday celebration lamang ang ginawa ni Maine Mendoza sa noontime show nilang Eat Bulaga last Saturday, March 3. Pinili niyang sa sugod-bahay sa Addition Hills sa Mandaluyong City siya mag-celebrate ng birthday kasama ang kanyang co-hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros. Sa piling ng mga tagaroon siya nag-perform ng kanyang dance number at nag-blow ng candles ng three-layer cake with fresh fruits.
Ang birthday wish niya ay posted lamang sa kanyang Instagram wall: “May your days be filled with smiles, laughter and love; life be filled with peace, wisdom and cheer! To more fun times and new experiences on your 23rd year. Happiest birthday, self!”
Magkasama lamang sila ni Alden Richards sa Team Yellow sa kanilang ACTually segment at muli, sila ang nanalo against sa Team Blue.
Dumalo sa Broadway studio ang parents niyang sina Tatay Teddy at Nanay Mary Ann Mendoza. Napuno ang lobby ng studio ng napakaraming cakes mula sa fan clubs here and abroad. Ayon sa kanyang Nanay, ang iba raw ng cakes ay iniuwi nila sa Sta. Maria, Bulacan at ipinamigay sa mga bata at kanilang mga pamilya. Wala ring birthday party si Maine maliban noong March 2 at may family dinner sila dahil birthday ng kanyang Ate Niki at salubong naman sa kanyang birthday ng March 3.
Ngayong Monday ang taping ni Maine ng EB Lenten presentation with Vic Sotto at iba pang Dabarkads, pagkatapos noon, tuloy naman siya sa shoot ng TVC ng ice cream na ini-endorse nila ni Alden sa Cavite. Pang-summer promo na raw nila ito.
Janine nahihilig sa car racing
Mahilig pala si Janine Gutierrez manood ng car racing. Natutunan daw niya ito sa daddy niyang si Monching Gutierrez. Ini-enjoy daw niya ang panonood ng mabilis na karera ng mga kotse kung wala siyang work.
Nami-miss si Janine ng mga sumusubaybay ng Sherlock, Jr. dahil sa pilot week lamang siya napanoood as the girlfriend of Jack, played by Ruru Madrid. Soon, mapapanood si Janine sa isang big-budgeted teleserye na pinaghahandaan na niya ngayon.
Aicelle maraming Pinoy ang makakatrabaho sa Miss Saigon
Isa si Rachelle Ann Go sa natuwa nang i-release na ang balitang si Aicelle Santos naman ang gaganap sa role na una niyang ginampanan sa Miss Saigon sa West End sa London, bilang si Gigi Van Tranh. Si Aicelle ay makakasama sa Miss Saigon UK tour na may Asian tour at isa ang Pilipinas sa pagtatanghalan nila.
Tamang-tamang tapos na ni Aicelle ang Himala: Isang Musikal sa March 11 at aalis na for London para simulan ang rehearsals doon. Makakasama ni Aicelle sina Red Concepcion (The Engineer), Gerald Santos (Thuy), Joreen Bautista (Alternate Kim) at ilan pang Pinoy musical artists.