The Theater ni Regine, next year na magkaka-repeat
MANILA, Philippines – Ang 4th and last night mamaya ng Regine at the Theater sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.
Wala munang extension ang concert series ni Regine Velasquez-Alcasid dahil hindi na available ang The Theater at puno na ang weekend schedules nila at ayaw naman ni Cacai Velasquez-Mitra na ilipat sa ibang venue ang Regine at the Theater.
Maraming nagre-request kay Cacai na magkaroon ng December schedules dahil marami ngang mga Pinoy na magbabalik-bayan next month ang gustong makapanood nito.
Kung saka-sakali, baka next year na magkaroon ng repeat ang Regine at the Theater.
Lani at Sarah may tapatan
Ang tapatan ng shows nina Lani Misalucha at Sarah Geronimo sa December 4 at 5.
Wala namang problema ‘yon dahil magkaiba ang concept ng dalawang show. Magkalayo rin sila ng venue.
‘Yung kay Lani, kung saan guest niya si Arnel Pineda ay sa The Theater ng Solaire Resort and Casino at sa Smart Araneta Coliseum naman ‘yung kay Sarah.
Parehong hindi problemado ang producers ng dalawang shows dahil selling like hotcakes ang tickets sa kanilang shows.
‘Yung kay Lani, sold-out na ang December 5 at konti na lang daw ang tickets para sa December 4.
Ang kay Sarah naman, December 5 tickets na lang daw ang ibinebenta.
Martin hindi updated sa hitsura ni Pops
Birthday ng handler niyang si Joy Alonzo, kaya naman nakasama namin si Martin Nievera sa biglaang dinner para i-celebrate ang kaarawan nito.
Sa tsikahan with Martin, naikuwento niya na isa siya sa mga nag-perform sa APEC, pero hindi puwedeng magdetalye tungkol doon.
Anyway, naikuwento ko kay Martin na nagpagupit na uli ang ex-wife niyang si Pops Fernandez.
Maigsi na ang buhok ni Pops at hindi pa raw aware si Martin dahil hindi pa niya nakikita ang litrato ng ina ng mga anak niyang sina Ram at Robin.
Kahit nauwi sa legal seperation ang marriage nila ni Pops, friends pa rin naman silang dalawa ngayon at hanga si Martin sa kanyang ex-wife sa pag-aalaga nito sa kanilang mga anak.
Pokwang wala pa rin daw kupas sa pagpapatawa
In fairness, maganda ang feedback sa Wang Fam ng Viva Entertainment at pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, Yassi Pressman, Alonzo Muhlach at iba pa.
Ok naman ang box-office receipt ng pelikula noong opening day nito last Wednesday, pero inaasahang mas lalakas pa ito ngayong araw na ito at bukas.
Ang mga kakilala ko na nakapanood na ng Wang Fam ay bilib sa direktor na si Wenn Deramas dahil talagang sobrang napatawa raw sila ng pelikula.
Wala pa rin daw kupas sa pagpapatawa si Pokwang at cute raw si Alonzo.
- Latest