Marami ang nagulat and at the same time ay natuwa sa biglang biglang pagpasok ni Richard Yap sa Ang Probinsiyano.
Lumabas na ang kanyang karakter bilang Mr. Tang na siyang pinuno ng child trafficking syndicate.
Sa kanyang solo presscon kahapon, the actor revealed na siya mismo ang nag-request na maging bahagi ng Ang Probinsiyano.
“Nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ang story at sobrang ganda ng pagkagawa. So, I wanted to be part of it. Sabi ko, kahit na kontrabida. So, I requested na kung pwede ako masali dito sa Ang Probinsiyano,” pahayag ni Richard.
Ito ang kauna-unahang kontrabida role ni Richard kaya talagang pinaghandaan niya raw ito.
“I’ve been watching kontrabida na movies and serye but I’ve been watching the foreign ones also. Kasi action type ‘to, eh. So I want to find a level na medyo mas angat.”
Hindi ba siya natatakot na kamuhian na siya ng tao since alam naman natin na sobrang minahal siya sa mga ginampanan niyang roles bilang Papa Chen and Sir Chief?
“Well, this is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotype na itong role lang na ito ang pwede kong gawin, good guy role. So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors, kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito, eh. Iba ‘yung mindset mo. Actually, mas stressful siya. It’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft.”
Sino ang peg niya at ano ang maaasahan sa kanya dito ng televiewers?
“Ang peg ko dito is si Jet Li, eh. If you watch him du’n sa Lethal Weapon 4, parang ganu’n,” he said.
Dahil nga napanood niya ang simula ng Ang Probinsiyano at nakita na agad ang mga karakter especially, ‘yung sa mga tauhan sa sindikato, naghanap na raw siya agad ng mga ganung klaseng movies para panoorin at medyo iniba niya ang atake para maiba naman daw siya.
Hindi lang pagiging kontrabida ang susubukan dito ni Richard kungdi maging ang mga action scenes.
“We’ve taken a few actions scenes already pero hindi pa napapalabas. Pero hindi pa kami nagkasagupaan. Medyo ano rin, it’s actually very physical also. Very taxing din, physical-wise.”
When asked kung ano sa tingin niya ang magiging reaksyon ng kanyang mga fans, aniya, so far naman daw ay maganda naman daw ang feedback.
“Sabi nila, kahit na raw naging head ako ng sindikato, sasama na lang daw sila,” nakangiti niyang sabi.
Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay pagiging kontrabida na lang ang gusto niyang gawin. Mas gusto raw niya na magampanan ang iba’t ibang klase ng roles.
“So I might play a bad guy here, next time baka balik tayo sa good guy, so it depends. It might be romance next time, it might be comedy, it might be action, so we’ll try everything first and then we’ll se how it goes.”
Empress gusto nang magtrabaho agad-agad matapos manganak
Nag-bonding kamakailan ang kapapanganak lang na si Empress Schuck at ang kanyang manager na si Becky Aguila. Sobrang miss na miss na raw ng aktres ang showbiz at gustung-gusto nang bumalik.
Say ni Tita Becky, nag-mature raw ang outlook ni Empress sa buhay ngayong may baby na ito at mas determinado na sa trabaho. Iba raw talaga kapag mom ka na dahil hindi na sarili ang iniisip ngayon ng aktres kundi ang future na ng anak nito.
Ang ganda rin daw ni Empress ngayon at mukhang happy sa buhay. Kasama niyang namumuhay ang ama ng kanyang anak na si Vino Guingona with their baby of course, si Athalia.
Say ni Tita Becky, mga bandang February raw siguro ay pwede nang bumalik si Empress sa showbiz. Bagama’t hindi naman tumaba ang actress ay need daw muna nitong mag-work out pa nang kaunti at magpaganda nang husto para bongga ang pagbabalik nito.
Walang kontrata si Em sa kahit anon’g network although huli siyang napanood sa Kailan Ba Tama ang Mali teleserye sa GMA 7 bago siya nabuntis.
Nangako naman daw ang GMA 7 na susuportahan pa rin si Empress pagkapanganak nito.
Swerte kay Empress ang baby niya dahil nominated siya as Best Drama Actress for Kailan Ba Tama ang Mali sa 29th Star Awards for Television.