MANILA, Philippines – Idedetalye ni Karen Davila ang kuwento kung paano pinalaki ng may-ari ng pinakaunang lechunan sa La Loma, Quezon City ang kanyang negosyo at maging ang kanyang pagbangon mula sa panloloko ng kaibigan ngayong Miyerkules, (October 8) sa My Puhunan.
Itinayo ito ni Nena Cesario noong 1968 ang Mila’s Lechon. Tinagurian siyang “Reyna ng La Loma” sapagkat bukod sa pagiging orihinal na tindera ng lechon sa lugar, isa na rin siyang ganap na milyonarya. Mula sa puhunang P700, may ilang branches na ang Mila’s Lechon sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ngayon. Minsan na rin siyang nagantso ng kanyang kaibigan na siyang naging dahilan ng pagkalugi niya ng ilang milyong piso. Sa My Puhunan, ibabahagi ni Nena kung paano siya nakapagsimulang muli mula sa wala.
Bata pa lamang si Mila ay naglalako na siya ng daing sa mga lansangan ng probinsiya ng Quezon.
“Nakabakyang pudpod, kilu-kilumetro ang nilalakad ko, walang biro,” sabi ng 80 anyos na milyonarya.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong hapon (Oct 8), 4:30 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates at recipes, sundan ang @mypuhunan sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan.