^

Pang Movies

May-ari ng Mila’s Lechon, ilalahad ang kwento ng pag-asenso sa My Puhunan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Idedetalye ni Karen Davila ang kuwento kung paano pinalaki ng may-ari ng pinakaunang lechunan sa La Loma, Quezon City ang kanyang negosyo at maging ang kanyang pagbangon mula sa panloloko ng kaibigan ngayong Miyerkules, (October 8) sa My Puhunan.

Itinayo ito ni Nena Cesario noong 1968 ang Mila’s Lechon. Tinagurian siyang “Reyna ng La Loma” sapagkat bukod sa pagiging orihinal na tindera ng lechon sa lugar, isa na rin siyang ganap na milyonarya. Mula sa puhunang P700, may ilang branches na ang Mila’s Lechon sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ngayon. Minsan na rin siyang nagantso ng kanyang kaibigan na siyang naging dahilan ng pagkalugi niya ng ilang milyong piso. Sa My Puhunan, ibabahagi ni Nena kung paano siya nakapagsimulang muli mula sa wala.

Bata pa lamang si Mila ay nag­lalako na siya ng daing sa mga lansangan ng probinsiya ng Quezon.

“Nakabakyang pudpod, kilu-kilumetro ang nilalakad ko, walang biro,” sabi ng 80 anyos na milyonarya.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong hapon  (Oct 8), 4:30 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates at recipes, sundan ang @mypuhunan sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan.

BATA

IDEDETALYE

KAREN DAVILA

LA LOMA

LECHON

MY PUHUNAN

NENA CESARIO

QUEZON CITY

SA MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with