Ricky Martin kinalasan na ang BF ng limang taon

Nakipaghiwalay na ang Latino singer na si Ricky Martin sa kanyang long-time boyfriend. Pagkatapos nga ng limang taon ay tinapos na ng hitmaker ang kanyang relasyon kay Carlos Gonzalez.

The 42-year-old singer na naging big hit noong early 2000 via She Bangs, Livin La Vida Loca, at The Cup of Life ay nag-announce na siya ay isang homosexual noong 2010. Pero meron siyang five-year old twin boys, sina Matteo at Valentino na ipinanganak noong 2008 sa pamamagitan ng isang surrogate mother.

Sa isang statement ng kanyang representative, sinabi nito na maayos ang paghihiwalay nina Ricky at Carlos: “Ricky and Carlos have mutually agreed to end their relationship but continue to be united by friendship and their shared experiences.”

Noong November 2013 pa raw nagkaroon ng problema sa relasyon ang dalawa.

“They’ve spent very little time together and have grown apart. They’ve been on the outs for a while now,” say ng isang source.

Arjo mas nakaka-relate sa mga bading

Sa unang pagkakataon ay gaganap ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde bilang isang bading sa special episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) para sa Bagong Taon.

Ngayong Sabado ipapalabas ang MMK episode na Gay Parent mula sa direksiyon ni Raz dela Torre. Makakasama ni Arjo sa episode si Felix Roco bilang lala­king nakarelasyon niya. Kasama rin sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo, at Ella Cruz.

Gaganap si Arjo bilang isang gay father at ipapakita kung paano niya ipinaglaban at prinotektahan ang kanyang binuong pamilya sa kabila ng mga hindi magagandang sinasabi sa kanya.

Sa pagganap niya bilang bading, pina­suot siya ng wig at make-up. Kung kanino siya kumopya sa pagganap niya bilang isang gay, pinag-aralan na lang niya ang mga kilos at pananalita ng mga bading na barkada ng kanyang actress-mom na si Sylvia Sanchez.

“I have huge respect sa mga gay. Hindi ako nahihiyang sabihin that I grew up with gays. Si mommy most of her friends mga bading kaya wala pong problema sa akin.

Sa pagganap nga ni Arjo bilang isang bading, mas lalo raw niyang naintindihan ang mga bading.

“Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after doing this role for MMK. This is not the typical gay story. May malalim na kuwento ito and it was physically and emotionally draining for me. Marami po akong emotions na nilabas dito just to get into the right character,” saad pa niya.

Ito na ang pangatlong MMK episode na pinagbidahan ni Arjo mula nang nag-full time na siya sa pagiging artista.

Show comments