Tawag ng mga taga-showbiz sa kanya, OPM King. Kung sakali kasing makita ang rich celebrity sa isang network o kahit saang gathering/affair ngayong Kapaskuhan, kunwari magugulat siya.
“Naku, hindi ko alam na magkikita tayo,†simula ng magamit na artista. “Naiwan sa bahay ang gift mo. Hindi ko nadala sa kotse.â€
Kukunin pa ang address mo at phone number. Padadala na lang ang kanyang regalo!
Kung sakaling magkita kayo next year during the holiday seasons, pareho na naman ang drama. Okay lang naman kung walang regalo at baka higit siyang nangangailangan sa kanyang mga pinangangakuan! Bumati ka na lang ng sincere na “Merry Christmas and Happy New Year.†Huwag na lang mangakong napapako!
Aktres sanay nang umihi kung saan-saan tuwing lasing
Isang lasenggang aktres ang gustong ibalik sa play school (‘yung before nursery) upang matuto ng toilet manners.
Kapag lango na kasi ang artista, nagdudulot ng kahihiyan sa mga kasama. Bukod sa gumagaspang na ang kilos, kung saan-saan pa jumijingle. Dati sa table lang nila ang ginagawang comfort room.
Ang latest, pati ang malawak na dancefloor ay naging toilet na rin sa kanya! To top it all, wala siyang baong panty. Kaya tiyak na nangangamoy na siya bago mag-closing time.
Dahil hindi pa purdoy, Charice marami pang pang-regalo
Tigas ang pagtanggi ni Charice Pempengco na binalak niyang mag-suicide dahil naghihikahos na. Sa kawalan ng singing engagement o iba pang trabaho, wala na raw datrills si Uncle Charice!
Ang say ng Tiboli, “Mahal ko ang buhay ko at marami pa akong pera.â€
O, ayan mga close kay Charice, tiyak na may tatanggapin kayong Christmas gift at hindi niya kayo pangangakuan o uutangan!
Linkin Park babalik para sa benefit show sa bar
Isang 44-second video, Help Linkin Park Provide Relief for the Philippines, ang naglalayong magdala ng mga portable water at sanitation help sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte at ibang parte ng bansa.
Sa Jan. 11, nakatakda silang mag-benefit concert sa Club Nokia sa Angeles, Pampanga kasama ang ibang mga Pinoy na grupo. Nandito lang ang duet na sina Phoenix at Brad noong August.
Ang rock band ang nagsimula ng Music for Relief Movement noong 2005 at hanggang ngayon ay aktibo pa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Dolphy game nasa app na ng iPad
Isang computer game, Dolphy Clean Up, ang inilabas sa bansa ng isang American company with the Quizon family, in honor of the Comedy King.
Ang hero sa laro ay kahawig ni Mang Dolphy at ito ay nakakatawa and educational, para sa mga bata.
Available na ang Dolphy Clean Up sa mga app store ng iPad simula Linggo, Dec. 15. Parte ng kita sa benta nito ay ibibigay sa Dolphy Aid for the Poor Foundation na itinatag ng pamilya Quizon.
Willie babawasan ang yaman para ibigay sa Tacloban
Ikinaila ni Willie Revillame na lulong siya sa pagsusugal sa casino. Pinagpipilitan ng comedian na mali ang tsismis, na kaya siya nakikita roon ay dumalo siya sa kanyang mga important meeting na sa casino ang venue.
Kaya Acheng Pan, huwag kang matakot na malipat lahat sa sugal ang mga bilyones ni Revillame.
Intact pa rin ang kanyang kayamanan at billion-peso properties kaya sa Dec. 22 ay nakatakdang mamigay siya ng tulong sa mga taga-Tacloban. Ilang TV camera at mga press photographer ang mga magdyo-join? Puwede kayong mag-cover dahil wala namang gibsung. Ang para sa inyo ay ido-donate lahat sa mga biktima ng bagyo!
Aba, hindi naman ugali ni Willie Revillame na ipagmalaki sa publiko na siya ay tumutulong sa mga kapwa Pinoy na naÂngangailangan. Paano nga ba nabubuhay ang komedyante ng wala ang mga TV camera at press coverage?