Michelle kinantiyawan sa FIBA sa ka-date na PBA player

MANILA, Philippines - Umuwing luhaan ang mga sikat na political personalities and showbiz celebrities na nanood ng laban ng Gilas Pilipinas at Chinese Taipee last Saturday sa SM Mall of Asia Arena kaugnay ng FIBA Tournament na ginagawa sa bansa. Natalo kasi ang ating team na panalo na sana, ayon sa mga analyst.

Ilan sa prominenteng politicians na nanood ay sina Vice President Jojo Binay, Senators Alan Peter Cayetano, at Tito Sotto kasama ang kapatid na si Vic at Konsehal Anjo Yllana. Feeling namin, ’yung guwapitong katabi ni Bossing ay si Vito na anak niya kay Coney Reyes.

Of course, kasama sa Team Gilas ang manugang ni Vic na si Marc Pingris na isa rin sa dahilan ng panonood ni Vic. Hindi lang na-close up si Danica Sotto na asawa ni Marc na na-focus nung nanood ng laban ng Team Gilas sa Jordan.

Siyempre, always present din si LJ Moreno sa games upang suportahan ang asawang si Jimmy Alapag. Si LJ ang super talon tuwing makaka-shoot ang dyowa, huh!

Ang naka-attract ang atensiyon namin ay ang presence ni Michelle Madrigal. Tanging ang isang Philippine Basketball Association (PBA) player ang kanyang katabi. Hindi man sila sweet eh mukhang may namumuo silang relasyon dahil sa kantiyaw ng announcer sa TV.

Natalo man ang Team Gilas, kahit mabigat ang susunod na laban, may pagkakataon pang ipanalo nila ang susunod na laro.

Ang iba pang regular viewers ng FIBA games ay si Manny Pangilinan ng TV5, ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, at ilang PBA players din.

Sex video nina Chito at Neri naunang lumusot kesa relasyon

So, si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at ang girlfriend niyang si Neri Naig ang may sex video. Ito marahil ’yung tinutukoy ni Mo Twister sa kanyang tweet.

Agad-agad namang dumepensa si Chito na ninakawan ang bahay nila’t pati mga hard drive sa kanilang computer ay dinekwat. Panay ang hingi niya ng sorry sa kumalat sa sex video ng girlfriend at pati dasal ay hiningi ng bokalista ng banda, huh!

Siyempre, sino ba ang dapat sisihin sa pagkalat ng video? Eh ’yung may gawa rin na pumayag pang i-video ang ginawa nila ng dyowa.

Naku, maloloka tiyak ang manager ni Neri na si Direk Manny Valera. Kelan lang ay pina-interview niya sa press si Neri. Nabanggit na ang name ni Chito that time na ka-close niya pero walang kumpirmasyon kung sila na nga.

As of this writing, hindi na namin makita ang sex video nina Chito at Neri hindi dahil interesado kami kundi para na rin updated kami sa ganyang eskandalo.                                                                      

 

Show comments