^

Pang Movies

Angel waging best actress sa FAMAS

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi sukat akalain ni Angel Locsin na manalo ng best actress award sa 61st Gabi ng Parangal ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards). Naniniwala kasi ito na mabibigat ang kanyang mga kalaban na sina Bea Alonzo (The Mistress), Angelica Panganiban (One More Try), Anne Curtis (A Secret Affair), Cristine Reyes (El Presidente), Jodi Sta. Maria (Migrante), Judy Ann Santos (Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako), at Andi Eigenmann (A Secret Affair).

Nagpasalamat ito sa pamilya niya sa Star Cinema lalo na sa mga bumubuo ng One More Try at sinabing magandang birthday gift ito sa kanya dahil kaarawan niya ngayon (April 23).

‘‘Wala akong party dahil nasa trabaho ako at may taping sa Toda Max bukas,’’ sabi ng aktres.

Bale ika-anim na tropeo, kabilang ang FAMAS, sa natanggap ni Angel dahil nauna na siyang nanalo ng dalawang beses sa Star Awards, PASADO, at Guillermo Memorial Awards.

Christian na-shock sa boobs ni pops!

Narito naman ang ilang FAMAS sidelights na aming napansin nung Linggo ng gabi.

Alas-siyete pa lang ay nagsimula na ang Gabi ng Parangal na ang ganda ng pagkakaayos ng stage at naroon sa magkabilang tabi ang napakalaking tropeo ng FAMAS.

Hosts sina Pops Fernandez at Christian Bautista at talagang napaka-sexy ni Pops sa kanyang black outfit at may hati sa gitna at kitang-kita ang kalahati ng magkabilang boobs.

Sabi nga ni Christian ay na-shock siya sa suot ng co-host. Lagi siyang nakatingin dito. ’Pag nagsasalita si Pops ay sinasabi niya ang mukha niya ay nasa itaas at wala sa dibdib dahil sa revealing outfit na sinisipat-sipat ng male singer.

Nagsimula ang pamimigay ng technical awards at mabilis ang pacing ng show. Halos nakopo ng El Presidente ang tropeo sa technical awards. Maagang dumating si Butch Francisco na tumanggap ng Dr. Jose Perez Memorial Award mula kay Marichu Vera Perez. Hindi naman nakarating si Cristy Fermin na recipient ng Arturo Padua Memorial Award. May special award din si German “Kuya Germs” Moreno dahil sa 50 years niya sa showbiz at siyempre kilometric ang acceptance speech nito.

Binigyan ng Presidential Excellence Award for Cinema Art si Nora Aunor dahil sa tatlong beses nitong panalo sa international film festival. May special award din si Atty. Persida Acosta at Extra Ordinary Public Service Award, Alfred Vargas for Excellence in Local Governance at Gov. ER Ejercito na Lifetime Achievement awardee. Nabigyan ng German Moreno Achievement Awards sina Isabella Salvador, Xian Lim, Joyce Ching, at Ruru Madrid.

Sa major awards ay wagi sina Gov. Ejercito, best actor for El Presidente, best supporting actor si Cesar Montano (El Presidente), best supporting actress si Jaclyn Jose (A Secret Affair), best director si Mark Meily (El Presidente), at Movie of the Year ang (El Presidente). Best child actor si Miguel Vergara ng One More Try at best child actress si Barbara Miguel ng Migrante.

Sa kabuuan, bongga at maganda talaga ang Gabi ng Parangal sa pamumuno ni Eloy Padua.  Mahuhusay ang performers sa kanilang production number sa direksiyon ni Al Quinn at mapapanood next Sunday sa GMA 7 sa Sunday’s Best sa pamamagitan ng Airtime Marketing, Inc. ni Tess Celestino.

A SECRET AFFAIR

AIRTIME MARKETING

AL QUINN

ALFRED VARGAS

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

BEST

EL PRESIDENTE

ONE MORE TRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with