Tuwing matatanong o magkakaroÂon ng pagkakataon, sinasabi ni Gabby ConcepÂcion na umaasa siyang matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nilang dalaÂwa ng dating asawang si Sharon CuÂÂneta. Kamakailan nga ay may sinasabi pa siyang idea niya ng istorÂyang maaaring gawin nilang pelikula. Talagang makikita mong masigasig siyang makatambal na muli si Sharon.
Talaga namang dapat na magsikap siyang makumbinsi nga ang Megastar na tumambal na muli sa kanya sa pelikula dahil iyon lang naman ang maaari pang bumuhay sa kanyang career. Noong magbalik siya sa Pilipinas matapos ang kung ilang taon din para iwasan ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng isa pang dati niyang asawang si Jenny Syquia, at magpalamig kaugnay ng kanyang involvement sa film festival scam, maganda pa sana ang takbo ng kanyang publisidad. Pinag-aagawan pa siya ng mga network noon eh.
Matapos ang ilang panahon, nang hindi siya masyadong nag-click, medyo nawala na rin siya at ngayon nga ay maiikling role na lamang ang nakukuha niya. Kahit na sa mga serye ng ABS-CBN, sinasabi niyang parang guest na lang siya. Nagiging bida nga siya sa TV5 pero mababa naman ang ratings ng mga serye niya.
Ngayong mga father role na lang ang ginagawa niya at alam naman natin ang ibig sabihin, support na lang siya. Ang pagkakataon lang niyang maging leading man ay kung papayag nga ang Megastar na tumambal sa kanya.
Pero ang proyektong iyon ay isang malaking sugal. Kung mag-click, OK. Kung hindi mag-click, walang mawawala kay Gabby dahil talagang mababa na ang kanyang career pero magiÂging dagok iyon sa career ni Sharon. Kaya natural lang naman siguro na mag-isip ang kanyang ex-wife kung papayag siya.
May mga mali na nga siyang desisyon sa kanyang career, mahirap nang magkamali pa ulit.
MTRCB chairman naging mabait pa sa ASAP
Take note ha? Hindi inutusan kundi nakiusap pa si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal sa ABS-CBN na makipag-cooperate sa kanilang gagawing gender-sensitivity investigation sa production number na ginawa ni Anne Curtis.
Nakiusap pa ang chairman mismo ng MTRCB, ganung kung gugustuhin niya ay maaari niyang bigyan na ng sanctions ang network dahil doon pero makikita na ang gusto niya ay understanding. Gusto niyang magkaroon ng unawaan ang mga network at ang MTRCB na siyang nagpapatupad naman ng batas.
Aktor na walang assignment malaki na ang utang sa inuupahang condo unit pero nakakapagbisyo pa
Ilang buwan na ang utang ng isang aktor sa kanyang tinitirahang condo unit sa Makati City. Wala na kasi siyang assignment eh. At saan nga ba siya kukuha ng pambayad? Ayaw naman siyang tulungan ng pamilya niya dahil sa mga bisyo niya.