Sunshine hindi masisikmurang may iuwing bata si Cesar sa bahay nila

Doon sa isang survey na isinagawa ng isang show­biz website, lumalabas na higit na nakararami ang naniniwalang tama si Sunshine Cruz sa kan­yang desisyon na makipaghiwalay na muna sa kanyang asawang si Cesar Montano. For the first time, ngayon lang din naman natin naring­gan si Sunshine ng mga reklamo at mga statement na umiyak siya, natututong mag­si­nu­­ngaling, nasaktan siya, at nag­sawalang kibo dahil sa taong minahal niya ng la­bing-tatlong taon. Na ngayon ay gusto na niyang pakawalan.

Kung sabagay, ewan nga ba kung bakit sa simula pa lang ay marami na ang nagsasabing baka hindi rin sila tumagal. Una, medyo malaki ang agwat ng kani­lang edad. Ikalawa, open secret naman na lapitin ng mga babae si Cesar. Noon pa naman ma­ra­mi na ang nagsabi ng ganun kay Sunshine pero sa palagay niya at that time, dahil mahal niya si Cesar, ay makakaya nga niyang tiisin ang lahat ng mga bagay na iyon.

Nitong bandang huli, naisip ni Sunshine na baka hindi na tama ang puro pagtitiis niya, baka kailangang lumaban na siya. Gina­wa nga niya at ewan kung ano naman ang nangyari at para bang sumuko na siya pagkatapos.

Ngayon nga ang desisyon niya ay ma­kipaghiwalay na muna.

Pero kung kami ang tatanungin, na­ni­­niwala kaming hindi magtatagal at magkakasundo rin ang dalawang ’yan at kung anuman ang nasabi nila sa isa’t isa ay basta makakalimutan na lamang. Sanay na rin naman si Sunshine. Tanggap naman niyang may iba pang mga anak si Cesar. Baka ang iniisip niyang hindi niya kaya ay kung may iuwi si Cesar na anak na mas bata kesa sa mga anak nila.

Kuya Daniel parang tauhan na ng DSWD

“Para na po kaming 911 eh kasi kahit na hindi talaga aksidente sa kalye, tinatawagan kami kung kailangan ng ambulansiya at pinupuntahan naman namin at binibigyan ng serbisyo nang libre. Sa 911 magbabayad ka pa eh. Dito sa amin libre ang ambulansiya,” panimulang kuwento sa amin ni Kuya Daniel Razon ng UNTV.

Nakita na rin niya ang problema ng evacuation cen­ters kung may kalamidad. Nagagamit pati ang mga eskuwelahan, sama-sama ang evacuee na wala na halos privacy. Kaya nga ang kasunod niyang project ay isang evacuation truck, na maaaring huminto na lang kung nasaan ang lugar ng kalamidad at kailangan ang evacuation, bubuksan iyon para mag-expand ang isang tent na may kanya-kanyang cubicle at maaaring tirhan pansamantala ng 500 pamilya.

May balak ba si Kuya Daniel na akuin na lang ang trabaho ng DSWD (Department of Social Welfare and Development)?

“Hindi naman po. Nalalaman natin ang panga­ngailangan ng bayan at kung may magagawa tayo, dapat nating gawin iyon,” sabi ni Mr. Public Service.

Aktres desperada na, inaako ang manliligaw kahit bakla

Mukhang desperada na ang isang aktres na makahanap ng boyfriend dahil ang ilusyon niyang boyfriend ay umaming may mahal naman siyang iba talaga. Kaso ang nanliligaw daw sa aktres ay questionable ang gender at kahit na alam niya iyon okay na lang basta may masabi lang na manliligaw.

Tama ba iyon?

Show comments