Hindi naman deretsahang sinabi ni Sharon Cuneta kung ano ang maaari niyang ibunyag kung hindi tumigil ang mga basher na sinasabing mula sa kampo ni Piolo Pascual at patuloy na naninira sa kanya at sa kanyang anak na si KC Concepcion.
Sabi ng Megastar, pasalamat nga raw ang kampo ni Piolo at nakapagpigil siya. Hanggang ngayon ay hindi kumibo ang sinuman sa kanilang pamilya. Walang nagsalita kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan nina Piolo at KC.
Pinagbigyan daw nila ang pagmamakaawa ng dalawang tao sa pamamagitan ng text na humihiling na huwag nang sabihin ni KC ang kanyang mga nakita na siyang naging dahilan ng biglaang breakup nila ni Piolo. Hindi pa raw binubura ni KC ang mga text na iyon sa kanyang cell phone para nga, just in case, sa kakailanganin na ebidensiya.
Pero kailangan niyang tanggapin
Gov. Vilma aminadong hindi popular ang ibang batas ni Sen. Ralph
Tama rin naman ang sinabi ni Gov. Vilma Santos na kahit na ang kanyang asawang si Sen. Ralph Recto ay nakakagawa kung minsan ng mga batas na hindi popular sa mga tao, wala siyang magagawa kundi kampihan ang mister.
Una, dahil naniniwala siyang wala namang ginagawa ang kanyang asawa na pansarili lamang. Naniniwala siya na kung anuman ang ginagawa ni Sen. Ralph, ang nasa isip lang ay kabutihan ng nakararami. Minsan hindi nila naiintindihan agad kung bakit ganoon ang kanyang ginawa pero sa pagdaraan ng panahon ay nakikita rin naman nila ang advantage.
Ikalawa, sinabi naman ni Ate Vi na hindi naman masasabing blind follower siya ng kanyang asawa. Kaya lang ang lahat ng mga issue na ganyan ay pinag-uusapan din naman nila sa bahay kaya nga mas nauunawaan niya kung ano ang gustong mangyari ng senador. Siya man daw ay ganoon din. Basta raw may gusto siyang gawing proyekto sa Batangas, hinihingi rin niya ang opinion ng senador.
Inamin din naman niya na nakatutok din siyang lagi sa asawa para ang CDF (Countryside Development Fund) ay maibigay ang malaking bahagi para sa lalawigan nila sa Batangas.
“Kaming dalawa rin ang number one supporter ng isa’t isa,” sabi pa ni Ate Vi.
Dagdag pa ng actress-politician, napili kasi nila ang ganoong klase ng buhay, ang public service. Kaya kailangang mas maging responsive sila sa opinion ng publiko pero dapat handa rin naman silang panindigan kung ano ang inaakala nilang tama.
Sabi nga nila, ibang-iba na kung magsalita ngayon si Ate Vi. Talagang pormang public official na. Eh isipin ninyo, siyam na taon siyang naging mayor at ngayon ay anim na taon na siyang governor. Puwede bang hindi siya masanay?
Aktor wala nang bayaran ang mga utang sa GF
Ang kapal ng mukha ng isang aktor. Isipin mong siya pa pala ang nangungutang madalas sa kanyang girlfriend at ang masakit hindi na raw iyon nagbabayad.
Ang katuwiran niya, may relasyon naman sila. Hindi pa sila mag-asawa ganyan na siya, paano pa kaya kung mag-asawa na silang talaga?