^

PSN Palaro

Gilas matatag sa No. 34 sa world rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines — Matatag ang Gilas Pilipinas sa ika-34 puwesto sa inilabas na FIBA world ranking for men.

Isang linggo matapos ang matagumpay na kampanya ng Gilas Pilipinas sa second window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers, hindi gumalaw ang puwesto ng Pilipinas sa world rankings.

Malaking tulong ang panalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand sa iskor na  93-89 at ang demolisyon nito sa Hong Kong sa pamamagitan ng 93-54 para manatili sa puwesto.

Kasalukuyang may matikas na 4-0 rekord ang Gilas Pilipinas sa Group B para awtomatikong makuha ang tiket sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa susunod na taon sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nanaig din ang Gilas Pilipinas kontra sa Chinese-Taipei at Hong Kong sa first window ng qualifiers noong Pebrero.

Sa asian ranking, nasa ikapitong puwesto ang Pilipinas sa ilalim ng Australia, Japan, New Zealand, Iran, Lebanon at China.

Nananatili namang numbero uno ang Gilas sa Southeast Asian region.

Hawak ng powerhouse USA ang No. 1 spot sa world rankings kasunod ang Serbia, Germany, France at Canada.

Sunod na masisilayan sa aksyon ang Gilas sa Pebrero kung saan hahataw ito sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Makakalaban ng Gilas ang Chinese-Taipei sa Peb­rero 20 at New Zealand sa Pebrero 23. 

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with