Choco Mucho muntik masilat sa Nxled

Galit na hinatawan ni Choco Mucho ace spiker Sisi Rondina si setter Jaja Maraguinot ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Muntik pang mabalewa­la ang four-game winning streak ng Flying Titans.

Mabuti na lamang at na­riyan si ‘magic bunot’ Royce Tubino.

Humataw si Tubino ng ma­hahalagang puntos sa fourth set para tulungan ang Choco Mucho na ma­katakas sa Nxled, 25-21, 23-25, 21-25, 25-23, 15-10, sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Tubino na may pitong puntos, habang pumalo si Sisi Rondina ng 23 points mula sa 21 attacks, isang block at isang service ace para sa 7-3 re­cord ng Flying Ti­tans.

“Si Royce mara­ming tulong na naibigay sa amin,” wika ni coach Dante Alin­su­nurin kay Tubino. “Sobrang thankful pa rin ako at ibinigay itong panalo sa amin.”

Sumandal si Alinsu­nu­rin kay Tubino nang ma­­iwa­nan sila sa 16-20 sa fourth set.

Magkasunod na pun­tos ang hinataw ng ve­te­ran outside hitter para sa ka­nilang 25-23 panalo at makatabla sa 2-2.

Sa fourth frame ay na­ki­pagtulungan si Tubino ki­na Rondina, Isa Molde at Maika Ortiz para biguin ang hangad na back-to-back wins ng Chameleons na na­­hulog sa 1-9 baraha.

Nag-ambag si Molde ng 12 markers para sa Cho­co Mucho at may tig-si­yam na puntos sina Dindin Manabat at Ortiz.

Nagtala si setter Deanna Wong ng 12 excellents sets para sa kanilang open­sa.

Humataw si EJ Laure ng 20 points para sa Nxled.

Show comments