Boston Celtics pinatumba ang Spurs; Utah Jazz ginulantang ang LA Lakers

Lumipad si Jayson Tatum ng Boston Celtics para sa kanyang slam dunk matapos makawala sa depensa ng San Antonio Spurs.

BOSTON — Nagkuwintas si Jayson Tatum ng 32 points at 14 rebounds para gabayan ang nagdedepensang Celtics sa 116-103 paggupo sa San Antonio Spurs.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Boston (39-16) at pang-pito sa huli ni­lang walong laban.

Humakot si center Kris­taps Porzingis ng 29 points at tumipa si guard Derrick White ng 19 points, 9 assists at 7 rebounds bago ang All-Star break.

Umiskor si De’Aaron Fox ng 23 points sa kanyang pang-limang laro para sa San Antonio (23-29) ma­tapos i-trade ng Sacra­mento.

Kumolekta si center Vic­tor Wembanyama ng 17 points, 13 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

Bumangon ang Spurs mula sa isang 19-point halftime deficit para makalapit sa 85-93 sa fourth quarter.

Ngunit nakabawi ang Celtics para sa pa­nalo.

Sa Salt Lake City, nagbagsak si Lauri Markkanen ng 32 points para banderahan ang Utah Jazz (13-40) sa 131-119 paggupo sa Los Angeles Lakers (32-20).

Nagsumite si LeBron James ng 18 points, 7 assists at rebounds, habang may 16 markers si Luka Don­cic sa kanyang ikalawang laro para sa Lakers.

Sa Toronto, naglista si Do­novan Mitchell ng 21 points sa 131-103 pag­lam­­paso ng East-leading Cleveland Cavaliers (44-10) sa Raptors (17-38).

Sa Denver, humataw si Jamal Murray ng career-high 55 points at ipinoste ni Nikola Jokic ang kanyang ika-25 triple-double sa season sa 132-121 paggiba ng Nuggets (36-19) sa Portland Trail Blazers (23-32).

Sa Oklahoma City, umiskor si Shai Gilgeous-Ale­xander ng 32 points pa­ra ibangon ang Thunder (44-9) mula sa isang 21-point deficit at agawin ang 115-101 panalo sa Miami Heat (25-27).

Sa New York, isinalpak ni Jalen Brunson ang go-ahead jumper sa huling 11.1 segundo sa overtime para sa 149-148 paglusot ng Knicks (36-18) sa Atlan­ta Hawks (26-29).

Sa Orlando, kumamada si Paolo Banchero ng 24 points sa 102-86 paggu­po ng Magic (27-29) sa Charlotte Hornets (13-39).

Show comments