Perpetual Lady Altas babawi sa NCAA Season 100

Ang University of Perpetual Help System DALTA Lady Altas kasama si coach Sandy Rieta.

MANILA, Philippines — Ang magandang pani­mula ang hangad ng Uni­ver­sity of Perpetual Help System DALTA sa pagbu­bu­kas ng NCAA Season 100 women’s volleyball tour­nament sa Pebrero 20.

Sasandig si Lady Altas coach Sandy Rieta kina ve­­terans Shaila Omipon, Win­nie Bedaña, Marian An­dal, Camille Bustamante, Fianne Ariola, Pauline Re­­yes, Jodi Lozano, Nicole Gaa at Daizerlyn Uy.

Dagdag na puwersa naman si rookie Jemalyn Me­nor mula sa champion team na Junior Altas Girls ka­sama sina Amina Villa­nu­eva, Geraldine Palacio, Lo­raine Lagmay, Monica Ma­­riano, Mika Donig at re­serve player Charisse En­rico.

Tumapos ang Perpe­tual sa ikaanim na puwesto sa kanilang 5-4 baraha sa nakaraang Season 99 at bigong makapasok sa Fi­nal Four.

Makakatuwang ni Rieta sa coaching staff sina Ja­son Sapin at Chi Cha Bau­tista.

Ang first round ay gagawing home-and-away na iikot sa 10 teams, habang sa FilOil Centre idaraos ang second round.

Ang top two squads ma­tapos ang eliminasyon ay makakakuha ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 3 at No. 4.

Show comments