Death Threats

Nakatanggap si RJ Abarrientos ng death threats sa social media matapos matalo ang Ginebra sa Meralco sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.

Sinisi ng nag-post si RJ dahil nag-mintis siya ng four-point shot before the buzzer. Kung pumasok ang tira, overtime. Nanalo ang Meralco, 108-104.

Malaki daw ang pusta ng tao – P400,000. Dahil dito, babarilin daw niya si RJ at ang asawa nito.

Well, malaking halaga nga. Halos isang taon na sahod kung kumikita ka ng P33,000 kada buwan.

Kaso, bakit mo sisisihin si RJ? At ano ang kinalaman ng partner ni RJ?

Dahil dito, lumapit ang PBA sa NBI para mag-imbestiga. Ewan ko kung ano ang gagawin nila para ma-trace ang pinanggalingan ng mga post sa social media.

Malamang, fake account. At baka fake message din. Baka dehins totoo.

Pero mahirap baliwalain ang threats dahil buhay ang pinag-uusapan. Kaya pormal na kumunsulta si PBA commissioner Willie Marcial sa NBI.

Dehins na nasundan ang death threats matapos talunin ng Ginebra ang Meralco sa Game 3 para pumasok sa semis.

Siguro, nabawi na ang talo.

Show comments