EJ bigo sa ikalawang gold sa Istaf

Ej Obiena.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Bigo si two-time Olympian EJ Obiena na made­pen­sahan ang kaniyang ko­rona sa Istaf Indoor pole vault tournament sa Dus­sel­dorf, Germany.

Nagkasya lamang sa pang-pitong puwesto ang Asian record holder kung saan nagsumite ito ng 5.55 metro.

Malayo ito sa 5.93m na nakuha ni Obiena nang mapanalunan ang gintong medalya sa Istaf Indoor no­ong nakaraang taon.

Mabilis na nakuha ni Obiena ang 5.55m na marka kung saan nilampasan nito ang 5.35m at 5.45m.

Nilampasan din ni Obiena ang 5.65m at 5.70m at tumulak sa 5.75m.

Subalit hindi pinalad si Obiena na makuha ang na­turang marka sa kaniyang tatlong sunod na pagtatangka para mabigo itong makapasok sa podium.

Napasakamay ni Torblen Blech ng Germany ang gintong medalya matapos magrehistro ng 5.80m at nakuha ni Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks ng Amerika ang pilak sa nilundag na 5.70m.

Pumangatlo si Ersu Sas­ma ng Turkey na nag­ta­la ng parehong 5.70m.

Ngunit nakaungos si Kendricks via countback dahil isang attempt la­mang ang kinailangan nito kumpara sa dalawang pagtatangka ni Sasma bago makuha ang marka.

Ito ang ikalawang sunod na torneong nilahukan ni Obiena sa nakalipas na 24 oras.

Show comments