Bossing taob sa Eastern
MANILA, Philippines — Bumangon ang guest team Hong Kong Eastern mula sa double digit deficit sa third period para balikan ang Blackwater, 84-75, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Humakot si Canadian import Chris Mclaughlin ng 32 points at 23 rebounds para igiya ang Hong Kong team sa 4-1 kartada at ibagsak ang Bossing sa ikatlong sunod na kamalasan.
Ang 6-foot-10 na si McLaughlin ang pumalit kay injured Cameron Clark.
“We missed a lot of shots and we didn’t play as a team,” ani Bosnian coach Mensur Bajramovic sa 41-51 pagkakaiwan ng Eastern sa first half.
“Second half we fixed it, we start to move the ball well, we made some shots and then take control of the game,” dagdag ni Bajramovic.
Mula rito ay bumalikwas ang guest team at inagaw ang 66-58 bentahe sa third period patungo sa paglilista ng 80-64 kalamangan sa fourth quarter.
Pinamunuan ni import George King ang Blackwater sa kanyang game-high 41 points.
Samantala, ipaparada ng Barangay Ginebra si big man Troy Rosario sa pagsagupa sa NLEX (3-1) ngayong alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
“He’s one of those guys I’ve watched from a distance and said to myself that I’d love to have him on our team. Now the reality is true,” ani Gin Kings’ coach Tim Cone sa 6-foot-6 na si Rosario na nagmula sa Blackwater.
Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay magtutuos ang Magnolia at TNT Tropang Giga.
- Latest