Blazers ikinasa ang Finals showdown sa Cardinals
MANILA, Philippines — Itinakda ng Blazers ang kanilang kauna-unahang championship series ng Cardinals.
Ito ay matapos patalsikin ng No. 2 College of St. Benilde ang No. 3 San Beda University, 79-63, sa Final Four ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Binanderahan nina big man Allen Liwag, Tony Ynot at Johmel Ancheta ang pagsibak ng Blazers sa Red Lions, ang kampeon sa nakaraang Season 99.
Huling naghari ang Taf-based cagers noong 2000 sa ilalim ni coach Dong Vergeire.
“We stuck to our game plan and we found a way to win,” ani coach Charles Tiu sa kanyang tropa.
Kaagad kinuha ng Blazers ang 25-10 lead sa first period sa likod ni Liwag patungo sa pagbaon sa Lions sa halftime, 53-27.
Sa unang laro, sinibak ng No. 1 Mapua University ang Lyceum of the Philippines University, 89-79, para umabante sa ikalawang sunod na NCAA finals appearance.
Bumira si reigning MVP Clint Escamis ng career-high 33 points bukod sa 4 rebounds, 3 assists at 2 steals para pamunuan ang Cardinals.
- Latest