^

PSN Palaro

Canino out muna sa Alas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Canino out muna sa Alas Pilipinas
Angel Canino
UAAP photo

MANILA, Philippines — Suportado ng Alas Pilipinas ang pagtutok ni Angel Canino sa kanyang pag-­ l­a­laro para sa De La Salle University sa darating na UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Hindi sumama si Canino sa pagpunta ng national team sa Kansai, Japan para sa isang two-week training camp bilang preparasyon sa two-leg 2024 Southeast Asian (SEA) V. League sa Agosto.

Hangad ng 2024 AVC Challenge Cup Best Opposite Spiker na muling banderahan ang Lady Spi­kers sa darating na UAAP Season 87 matapos silang sibakin ng University of Sto, Tomas Growling Tigresses sa Final Four.

“Siyempre nakakalungkot din po ang nangyari, pero hindi kami titigil dito. It serves as motivation for all of us,” ani Canino matapos ang kabiguan sa UST.

Hindi nakita sa aksyon ang Season 85 Rookie MVP sa limang laro sa elimination round dahil sa isang aksidente.

Matapos ang UAAP Season 86 ay naglaro si Canino sa Alas Pilipinas na inangkin ang makasaysayang bronze medal ng 2024 AVC Challenge Cup noong Hunyo.

Sa pagkawala ni Canino sa lineup ng Alas Pilipinas sa SEA V. League ay si National University ace Alyssa Solomon ang papalit sa kanya kasama ang mga bagong hugot na sina libero Tia Andaya at setter Hannah Stires.

Nakatakda ang first leg ng SEA V. League sa Agosto 2 hanggang 4 sa Vietnam kasunod ang second leg sa Agosto 9 hanggang 11 sa Thailand.

vuukle comment

ALAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with