^

PSN Palaro

Baltazar nagpaliwanag

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsalita na si Justine Baltazar matapos maudlot ang paglalaro sana nito para sa Samsung Thunders sa Korean Basketball League (KBL).

Nagresulta pa ito sa da­lawang taon na pagkaka-ban matapos madismaya ang pamunuan ng Thunders sa hindi pag-aksyon ni Baltazar

“Humihingi ako ng paumanhin sa bumubuo ng Samsung Seoul Thunders. Alam ko po na naagrabyado sila sa nangyari. Humihingi rin ako ng paumanhin sa KBL at sa kapwa nating Pinoy sa Korea,” ani Baltazar sa statement nito.

Nagpaliwanag si Baltazar na hindi naging malinaw sa kanya ang mga kailangang gawin para maayos ang mga dokumentong kailangan sa pagpunta nito sa South Korea.

“Hindi po sa akin nasabi po ng malinaw ang mga dapat po gawin para maayos ang papeles ko papunta run,” dagdag ni Baltazar.

Naglaro si Baltazar para sa Strong Group sa 32nd Dubai International Basketball Championships na ginanap sa Dubai, United Arab Emirates.

Nilinaw ni Baltazar na nauna na itong nagdesisyon maglaro para sa Strong Group bago duma­ting ang offer ng Samsung Thunders.

Hanggang Pebrero 5 ang kontrata ni Baltazar sa Strong Group.

Ngunit pinayagan ito ng Strong Group na umalis sa team ng maaga para makapunta sa South Korea.

Inamin ni Baltazar na hindi ito nakakuha ng appointment sa visa dahil sa mga kakulangan sa dokumentong kailangan sa pagpoproseso ng visa.

Iginiit ni Baltazar na hindi nito alam ang F­ebruary 2 deadline na ibinigay ng KBL sa mga teams.

Tuluyan nang hindi nakalaro si Baltazar sa KBL.

Pinatawan pa ito ng two-year ban sa liga dahil sa naging problema. 

vuukle comment

JUSTINE BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with