^

PSN Palaro

Abuan, Delos Santos nagpahabol pa ng 2 ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Abuan, Delos Santos nagpahabol pa ng 2 ginto
Inangkin ni Mariel Abuan ang ginto sa high jump event ng 14th SEA Youth Athletics Championship na ginaganap sa Ilagan, Isabela.
Joey Mendoza

ILAGAN CITY, Isabela  , Philippines  —   Sa pagtatapos ng kompetisyon ay dalawang gintong medalya ang inihabol ng Pilipinas sa 14th Southeast Youth Athletics Championships kahapon dito sa Ilagan Sports Complex.

Hinablot nina Hokket Delos Santos ng Ilagan City at Mariel Abuan ng Zambales ang gold medals sa kanilang mga events para idagdag sa pamumuno ni Ma. Khrizzie Clarisse Ruzol (2.60m) ng University of Santo Tomas sa girls’ pole vault.

Noong 2018 SEA Youth sa Singapore ay nag-uwi ang Philippine delegation ng isang silver at tatong bronze medals bago magtala ng kabuuang 3 golds, 7 silvers at 9 bronzes ngayong taon para sa fifth place finish.

Nagposte ang 5-foot-11 na si Delos Santos ng 4.20 metro sa boys’ pole vault para talunin sina Elliott Wee Junn (4.10m) at Heng Jee Kuan (3.80m) ng Singapore.

Lumundag naman ang 14-anyos na si Abuan ng 1.65m sa pagdaig kina Thanh Vy Nguyen (1.61m) at Quynh Giang Pham (1.58m) ng Vietnam.

“Challenging po kasi matatangkad ‘yung mga kalaban ko, kaya medyo kinabahan ako,” sabi ng Grade 6 student ng Botolan National High School sa Zambales.

Nag-ambag ng pitong pilak sina Daniel Noel A­ngelo Rambacal (44.29) sa boys’ hammer throw, Tina Rosete (26.83m) sa girl’s hammer throw, Charlaine De Ocampo (65.22) sa girls’ 400m hurdles, Jan Rey Gallano (56.65) sa boys’ 400m hurdles, Prin­ces Jean Nalzaro (15.61 segundo) sa girls’ 100-meter hurdles, Jessa Marie Libres (2.32m) sa girls’ pole vault at ang mixed relay 4x400m team (3:40.47).

 Nanguna sa 2019 SEA Youth Championships ang Thailand na may 16 gold, 8 silver at 4 bronze medals kasunod ang Vietnam (7-9-10), Malaysia (4-4-2) at Indonesia (4-2-2).

 Bukod sa SEA Youth at Philippine Athletics Championship sa Marso 6-8 ay pamamahalaan din ng Ilagan City ang Luzon leg ng 2019 Batang Pinoy sa Marso 16-23.

MARIEL ABUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with