^

PSN Palaro

Mixers, Painters itotodo na ang lakas unahang lumapit sa kampeonato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

 Coliseum)

5 p.m. San Mig Coffee vs Rain or Shine

 (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Matapos paghatian ang dalawang unang laro, pag-aagawan ng nagdedepensang San Mig Coffee at ng Rain or Shine ang ma­hala­gang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five championship series para sa 2014 PBA Governors’ Cup.

Maghaharap ang Mi­xers at ang Elasto Painters sa Game Three ngayong alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo ang ma­kakalapit sa pagkopo sa kampeonato ng season-ending conference.

Inangkin ng San Mig Coffee ni coach Tim Cone ang Game One via 104-101 victory noong Martes bago nakatabla ang Rain or Shine ni mentor Yeng Guiao sa Game Two sa paglusot sa 89-87 overtime win noong Huwebes.

“We just grinded it out, stayed there, didn’t give up and toughed it out to the end,” sabi ni Guiao sa naturang panalo na tinampukan ng three-point shot ni Best Import Arizona Reid sa natitirang 6.7 segundo.

Inaasahan ni Guiao na mas magiging maigting pa ang aksyon sa Game Three dahil na rin sa pagnanais ng Mixers na makalapit sa inaasam nilang PBA Grand Slam.

Nauna nang pinagha­rian ng San Mig Coffee ang 2014 PBA Philippine Cup at ang Commissioner’s Cup.

Maliban kay Reid, mu­ling sasandigan ng Rain or Shine sina Jeff Chan, Paul Lee, Gabe Norwood, Ryan Araña at Beau Belga katapat sina import Marqus Blakely, James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Mark Barroca at rookie Ian Sangalang.

Samantala, hihirangin naman ngayon ang Most Valuable Player at ang Rookie of the Year bago simulan ang Game Three.

Nangunguna sa karera para sa 2014 PBA MVP si 6’10 sophomore center June Mar Fajardo, samantalang si seven-foot slotman Greg Slaughter ang bumabandera sa ROY.

BEAU BELGA

BEST IMPORT ARIZONA REID

ELASTO PAINTERS

GABE NORWOOD

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

GRAND SLAM

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with