NLEX, Big Chill mag-uunahang lumapit sa titulo: Umaatikabong bakbakan
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
1 p.m. NLEX vs Big Chill
MANILA, Philippines - Rambulan sa mahalagang 1-0 kalamangan ang magaganap sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Big Chill sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Ang laro ay itinakda sa ganap na ala-1 ng hapon at asahan na magiging mahigpitan ang tagisan dahil parehong determinado ang dalawang koponan na masungkit ang titulo.
Nais ng Road Warriors na pawiin ang pagkatalo sa kamay ng Blackwater Sports sa Foundation Cup para maipagkaloob sa prangkisa ang ikalimang kampeonato sa anim na pagtapak sa championship round.
Sa kabilang banda, ba-lak ng Superchargers na makuha ang kauna-unaÂhang titulo sa pangalawang pagpasok sa Finals.
Noong 2011-12 Foundation Cup unang puma-sok sa Finals ang tropa ni coach Robert Sison pero hindi nila kinaya ang lakas ng NLEX.
Tinalo ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Big Chill sa natatanging pagkikita sa elimination round, 97-88, at umaasa ang mentor na mananatili ang magandang porma ng kanyang bataan para makabangon mula sa kabiguan noong nakaraang conference.
“This conference is a motivation for us. It is also a test to see if we learned something from our last conference,†pahayag ni Fernandez.
Lamang kung tao sa tao ang pag-uusapan pero hindi nagpapakasiguro si Fernandez dahil gutom ang kalaban.
“We need to execute very well if we want to win this championship,†ani ni Fernandez na winalis ang Hog’s Breath Cafe sa semifinals.
May kumpiyansa rin si Big Chill coach Robert Sison sa kakayahan ng mga manlalaro na maipanalo ang serye.
Ang ipinakitang determinasyon ng mga bataan matapos bumangon mula sa 0-1 deficit at pinagpahinga ang last conference champion Blackwater Sports ang siya niyang inaasahan na magpapatuloy sa championship series na ito.
“What I have is a bunch of players who are willing to make sacrifices and play their respective roles to win,†wika ni Sison. “It will still be a tough mountain to climb. But nothing is impossible.â€
Ang mga gutom sa titulo na sina Reil Cervantes, Jecster Apinan, Juneric Baloria, Janus Lozada at Brian Heruela ang mga sasandalan ng Big Chill para maitakas ang mahalagang panalo.
Sa kamay ng mga kamador na sina Garvo Lanete, Ola Adeogun, Art dela Cruz Jr., Kevin Alas at Ronald Pascual sasandal ang Road Warriors.
- Latest