Perpetual magsasampa ngayon ng protesta laban sa Mapua

MANILA,Philippines - Isasampa ngayon ng Perpetual Help ang kani­lang protesta sa nangya­ring tagisan laban sa Mapua noong Lunes sa The Arena sa San Juan City.

Yumukod ang Altas sa Cardinals, 71-74, upang maapektuhan ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa Final Four.

Tatlong puntos ang iti­nutulak ng Altas para ka­ti­gan ang protesta na dedesisyunan muna ni league commissioner Joe Lipa.

Una rito ay ang pagka­katalsik sa unang yugto ni Nigerian import Femi Babayemi dahil sa itinawag na disqualifying foul na sa kanilang pananaw ay dapat na flagrant foul lamang.

Ang ikalawa at ikatlong puntos ay ang miss calls sa mga dapat na fouls kina Jett Vidal at Earl Thompson sa endgame na umano ay nakaapekto sa kinalabasan ng resulta ng laban.

Umaasa ang Altas na papaboran ang reklamo at desisyunan na ulitin ang laban.

Ang pagkatalo ay nag­resulta upang makasalo ang Altas sa pagkakatabla sa ikatlo hanggang ikali­mang puwesto ng host Letran at Jose Rizal University sa 9-6.

Show comments