MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng mas magandang samahan sa hanay ng mga chess players na ipadadala sa World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey ang nagbibigay tiwala kay coach GM Jayson Gonzales na may kahihinatnan ang paglahok ng Pilipinas sa kompetisyon na itinakda mula Agosto 27 hanggang Setyembre 12.
“I expect this team to perform better compared to our last participation. This is not the strongest team we have formed but in terms of camaraderie among the players, this is the best,” wika ni Gonzales sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura.
Tinukoy niya sina Super GM Wesley So, GM Mark Paragua, IM Oliver Dimakiling at Oliver Barbosa.
Idagdag pa GM Eugene Torre, nasa kanyang ika-21 taon ng paglahok sa Olympiad, na nakabuo ng solidong koponan ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
“Maganda itong kumbinasyon at sa dami ko nang sinalihang Chess Olympiad, may gut feel ako na maganda ang kalalabasan ng pagsali namin,” sabi ni Torre.