Bradley ipinakita ang kahandaan sa laban nila ni Pacquiao

MANILA, Philippines - Tinanggap ni Timothy Bradley ang isang bus na sakay ang mga mediamen sa kanyang training quarters sa Indio, California kahapon at idineklarang handa na siyang labanan si Manny Pacquiao.

Ito ay ang media day para sa undefeated American at ginamit niya ito upang ipakita ang kanyang kahandaang labanan si Pacquiao sa Hunyo 9 sa Las Vegas.

Ito ang sinasabing pinakamalaking laban ng 28-anyos na si Bradley na kanyang sinabi sa media, sumakay sa magkahiwalay na bus mula sa Los Angeles at Las Vegas sa pamamagitan ng Top Rank.

Ipinakita ni Bradley ang kanyang mga muscles kasa­ma ang kanyang pamosong abs. Sa kanyang ginawang workout sa boxing ring, may suot siyang ankle weights na tila may bigat na limang pounds bawat isa.

Idinisenyo ito para mapalakas ang mga binti at mapabilis ang mga paa ni Bradley sa kanyang pagsagupa kay Pacquiao.

“I am so ready,” sabi ni Bradley sa www.ringTV.com <http://www.ringTV.com> sa napunong Indio Boys and Girls Club.  “I am no longer watching Paquiao video. Nothing about Pacquio concerns me anymore. I am that ready," dagdag ng challenger na tangkang agawin ang suot ni Pacquiao na WBO welterweight crown.

“I am on weight, primed and ready. I have just a few more rounds of sparring and that is it."

Nakatakda namang magdaos si Pacquiao ng kanyang media day sa Mayo 29 sa Wild Card Gym.

Naroroon din si chief promoter Bob Arum kagaya ng kanyang pagdalo sa media day ni Bradley.

“He looked sensational. He just looked very, very fresh,” sabi ni Arum kay Bradley.

Show comments