Dragon Warriors 'di na kayang ihabol sa 26th SEAG

MANILA, Philippines - Huli na ang lahat para sa paglahok ng Dragon Warriors sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Sinabi kahapon ni Phi­lippine Sports Commis­sion (PSC) chairman Ri­chie Garcia na hindi na aabot ang Dragon Warriors ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa isusumiteng entry by names ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa 2011 SEA Games.

 “As far as the Southeast Asian Games is concerned, hindi na tayo abot sa deadline, eh extended na nga itong entry by names,” ani Garcia sa PDBF. “Itong par­ticipation nila sa Southeast Asian Games is already jeopardized.”

Hindi sinipot ng PDBF ang ipinatawag na pulong ng PSC kasama ang POC noong Miyerkules na naghahangad na bigyan ng solusyon ang kasaluku­yang isyu sa Dragon Warriors.       

Show comments